Wika

Ano ang Wika?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit sa pang-araw-araw. Mahalaga itong matutunan upang maging maayos ang pakikipag komunikasyon.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa buong daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa “wika”, o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto.

Ang siyentipikong pag-aaral ng dito ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang ito mula sa wikang Malay.

Samantala, ang isa pang katawagan dito ay nagmula naman sa Kastila, ito ay ang salitang lengguwahe.

Basahin: Barayti ng Wika

Tinatawag din itong salita. Katulad ng lengguwahe o language sa Ingles – nagmula ang salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”.

Mga Anyo

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. Subalit, kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika.

Mga Antas

Kolokyal/Pambansa – Ito ay isang wikang ordinaryo na pangkaraniwang ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino.

Kolokyalismong Karaniwan – Ito naman ay ginagamit na may nakasaad na salitang “Taglish” o pinagsamang Tagalog at Ingles.

Kolokyalismong may Talino – Ito ay ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan.

Lalawiganin/Panlalawigan – Wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.

Pabalbal/Balbal – Ito ay ang pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Madalas itong naririnig sa kalye, ito rin ay maaaring nabubuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokya/Pambansa.

Pampanitikan – Ito naman ang wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Silipin: Ang Pambansang Wika

Kategorya ng Paggamit

May dalawang kategorya ng paggamit ng wika, ito ay ang pormal at impormal o di-pormal.

Pormal – Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ang mga nag-aaral ng wika.

Ginagamit ito sa mga usapang pormal, naririto ang mga uri nito:

Pambansa o Karaniwan – Ito ay mga karaniwang salita na ginagamit sa mga aklat o pangwika, pati na rin sa pambalarila sa mga paaralan. Gayundin sa ating pamahalaan.

Pampanitikan o Panretorika – Ito ay mga salitang ginagamit naman sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.

Silipin din: Buwan ng Wika

Impormal o di-pormal – Ito naman ay ang mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.

Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan, naririto ang mga uri nito:

Lalawiganin – Mga bokabularyong diyalektal, ginagamit ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.

Balbal – Ito ay ang mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usad ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan o kalye.

Kolokyal – Mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong impormal, ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pa sa salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Halimbawa:

PormalDi-Pormal
mayroonmeron
ayaw koayoko
sigarilyoyosi

Basahin din: Panitikan ng Pilipinas
Balagtasan

ADVERTISEMENT
loading...