Vigan

Ang Lungsod ng Vigan ay ang kabisera ng Ilocos Sur na napabilang sa Talaan ng Pamanang Pandaigdig ng UNESCO noong 1999. Makikita rito ang Century Old Houses.

Dito rin nanirahan ang ika-6 na Pangulo ng Pilipinas na si dating Pangulong Elpidio Quirino. Kinilala rin ito bilang pinakamagandang halimbawa ng nabubuhay pang pinagplanuhang bayang kolonyal na itinatag ng mga EspaƱol sa Asya.

Ang disenyo at arkitektura nito ay walang katulad sa alinmang bayan sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Basahin: Corregidor

Ang Vigan ang isa sa pinakamatandang bayan sa bansa, na naitatag noong 1572 ng Kastilang si Juan de Salcedo bilang isang sentro ng kalakalan sa rehiyong Ilocos.

Ito ay naging lunsaran ng kalakalang Galeon sa pagitan ng Acapulco at Maynila. Bukod sa kalakalan ng produkto, nagsilbing daluyan din ito nang palitan ang mga tao at kultura ng iba’t-ibang bansa.

Ang Vigan ay kinilala rin bilang matandang kabisera ng buong Ilocos noong hindi pa ito nahahati sa dalawang lalawigan.

Ang salitang Vigan ay nagmula sa kaibigan o lugar na maraming tanim na bigaa, isang uri ng bungang ugat na gaya ng gabi.

Ang matatandang bahay-na-bato at kalsada sa lungsod nito ay nahahawig sa makikita sa Intramuros, Maynila. Dahil dito, ngayon ay tinagurian itong “Intramuros sa Hilaga”.

Dinarayo rin sa lugar na ito ang matandang katedral na may malalaking imahen ng mga estasyon ng krus na nililok gamit ang kamay, gayundin ang malalaking bornay at hinabing telang Ilokano.

Basahin din: Fort Santiago
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...