Vicente Lim

Si Vicente Lim ay ang unang Pilipinong nakapagtapos sa Akademyang West Point sa Estados Unidos at siya ay isang martir at opisyal ng hukbo ng Pilipinas.

Ipinanganak siya noong ika-24 ng Pebrero taong 1888 sa Calamba, Laguna. Sinasabing magkaibigan ang pamilya ni Jose Rizal at pamilya ni Vicente Lim—tulad ng mga Rizal, ang mga lim ay umuupa noon ng lupain na magpapay-ari ng mga paring Dominiko.

Pagkaraang makapagtapos siya ng pag-aaral sa prestihiyosong akademya ng militar noong 1914, kinomisyon siya bilang opisyal sa Philippine Scouts ng hukbong Amerikano at mabilis niyang inakyat ang mga ranggo.

Basahin: Hukbalahap

Noong 1936, nagretiro mula sa hukbong Amerikano na may ranggong Tenyente Koronel at pumasok sa bagong-hiwalay na Hukbo ng Pilipinas.

Pagkaraan ay ginawaran siya ng ranggong Brigadyir Heneral at naging hepe ng War Plans Division ng Central General Staff.

Nang muling ipinaloob ang hukbong Pilipino sa mga Amerikano noong 1941, kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Vicente Lim ang naging pinakamataas na Pilipino sa ilalim ng pamumuno ni Heneral Douglas MacArthur.

Ibinigay sa kaniya ang 41st Philippine Division na siyang inatasang magtanggol sa Katimugang Luzon. Pinamunuan niya ang kaniyang mga kawal sa madugong labanan sa Bataan.

Noong 1942, sumuko ang dibisyong ito kasama ang lahat ng puwersang Pilipino at Amerikano, kabilang din si Lim sa dumanas ng tinaguriang Death March. Kahit sugatan, nabuhay siya at ipinasok sa Philippine General Hospital. Gumaling siya kaagad ngunit ikinubli ito sa mga Hapones.

Silipin din: San Juan de Dios Hospital

Ikinulong siya ng apat na buwan sa Fort Santiago at Bilibid sa Maynila bago bitayin ng mga Hapones sa Manila Chinese Cemetery noong ika-31 ng Disyembre taong 1944, na halos bago ang Bagong Taon at bagong pag-asang hatid ng nakaambang liberasyon ng buong Pilipinas.

Para naman sa kaniyang paglilingkod bilang kawal, pagkatapos ng kaniyang pagkamatay ay ginawaran siya ng Legion of Merit at Purple Heart.

Makikita rin ang kaniyang imahen sa papel ng isang-libong piso kasama sina Jose Abad Santos at Josefa Llanes Escoda. Kaugnat nito ay ipinangalan din sa kaniya ang Kampo Vicente sa kaniyang tinubuang bayan sa Calamba, Laguna.

Basahin din: Demokrasya
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...