Uwang Ahadas

Si Uwang Ahadas Pilipinong katutubong musikero ng Lamitan, Basilan. Ginawaran siya ng Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2000 dahil sa husay niyang tumugtog.

Ipinanganak si Uwang Ahadas noong ika-16 ng Pebrero taong 1945. Kinilala siya dahil sa kaniyang kahusayan sa pagtugtog ng mga instrumentong Yakan at mayroong malalim na kaalaman sa masining na posibilidad at panlipunang konteksto ng mga ito.

Malaki ang naging papel ng musikang instrumental sa buhay panlipunan at pang-agrikultura ng mga Yakan. Sa kabila nito, hindi lahat ng pamilya ay may kakayahang magkaroon nito.

Basahin: Bandurria

Malaking halaga rin ng salapi ang kinakailangan upang mapanatili ang kondisyon ng mga instrumento. Bahagi ng tradisyon ng pamilya ni Uwang Ahadas ang musika, natutunan ni Uwang na tumugtog gamit ang gabbang, sinundan ito ng agung, at iba pang mga instrumento.

Pagsapit niya ng edad na 20, naging dalubhasa sa pagtugtog ng mga instrumentong Yakan pati na rin ang kwintangan na batay sa tradisyon ay tinutugtog lamang ng mga babae.

Sa kabila ng kaniyang pagkakadalubhasa sa pagtugtog ng mga instrumento, hindi pa rin sapat para kay Uwang ang naabot niya, pinangarap niya ring magturo. Ninais niyang ibahagi sa mga kasama niya sa komunidad ang kaniyang kaalaman sa musika lalo na sa mga bata.

Tingnan din: Kubing

Mula sa pagtuturo sa kaniyang mga anak, nakarating na rin si Uwang na lampas sa hangganan ng bayan ng Lamitan upang magturo ng pagtugtog ng mga instrumentong musikal ng kaniyang mga ninuno.

Naniniwala siyang kailangang maturuan nang maaga ang mga bata habang buo pa ang interes nilang matuto at madali pang sanayin ang kanilang mga kamay para sa paghawak ng mga instrumento.

Nagsimula nang magbunga ang kaniyang pagsisikap dahil ang mga naging estudyante niya ay nagiging mga guro na ngayon sa pagtugtog ng mga instrumentong musikal.

Basahin din: Tambol
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...