Kinilala si Emilio Jacinto bilang Utak ng Katipunan, Kasama si Andres Bonifacio, nakipagkaibigan sila kay Apolinario Mabini upang ipagpatuloy ang La Liga Filipina ni Jose Rizal.

  • Pagkilala sa Utak ng Katipunan

Pagkilala sa Utak ng Katipunan

Si Emilio Jacinto y Dizon ay ipinanganak noong 15 Disyembre 1875 sa Maynila at isang Heneral ng Pilipinas sa panahon ng Rebolusyong Pilipino. Isa si Jacinto sa may pinakamataas na posisyon bilang opisyal ng Rebolusyong Pilipino at Rebolusyonaryong Lipunan ng Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala sa tawag na Katipunan.

Si Jacinto ay mahusay sa parehong Espanyol at Tagalog. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran, kalaunan ay lumipat siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang mag-aral ng abogasya. Naging kamag-aral niya sina Manuel Quezon, Sergio OsmeƱa at Juan Sumulong. Subalit hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo. At sa edad na labing-siyam, sumali siya sa lihim na lipunan na tinatawag na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping pang-piskalya at kalihim ni Andres Bonifacio.

Sumulat din si Jacinto para sa pahayagang Katipunan na tinatawag na Kalayaan. Nagsulat siya sa pahayagan sa ilalim ng pangalan na ‘Dimasilaw’, at ginamit ang alyas ‘Pingkian’ sa Katipunan. Si Jacinto ang may-akda ng Kartilya ng Katipunan. Matapos ang pagpapapatay kay Bonifacio, pinilit ni Jacinto ang pakikibaka ng Katipunan. Tulad ni Heneral Mariano Alvarez, tumanggi siyang sumali sa mga pwersa ni Aguinaldo (Ang Pinuno ng pangkat ng Magdalo ng Katipunan). Di naglaon, sa edad na dalawampu’t tatlo, Si Emilio Jacinto ay namatay sa sakit na malaria noong 16 Abril 1899 sa lungsod ng Magdalena, Laguna.
Noong dekada 1970, ang mga labi ni Jacinto ay inilipat at inihimlay sa Himlayang Pilipino Memorial Park sa Quezon City. Ang wangis ni Jacinto ay ginamit upang maitampok sa lumang dalawampung pisong papel na ginamit mumla 1949 hanggang 1969.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here