Traslacion

Ang Pista ng Itim na Nazareno o tinatawag ding Traslacion ay taun-taon idinaraos ng mga Pilipinong deboto tuwing ika-9 na araw ng Enero.

Ang mga deboto ay gumugunita sa traslacion o ang rituwal na paglilipat ng maitim na imahe ni Kristo, na gawa sa kahoy at sinlaki ng tao na mayroong pasan-pasang krus, mula sa Quirino Grandstand hanggang sa Minor Basilica of the Black Nazarene (Simbahan ng Quiapo) na kung saan naroong nakadambana ang orihinal na imahe mula pa noong 1787.

Inilalabas ang imahe mula sa Simbahan ng Quiapo upang pagpugayan ng publiko. Tatlong beses sa isang taon simula bagong taon, ika-9 na araw ng Enero, at Biyernes Santo.

Ang traslacion sa Enero 9 na nilalahukan ng mahigit isang milyong deboto, ay ang pinakamalaki sa tatlo. Laksa-laksang puro naka-paang deboto na nakadamit ng kulay maroon.

Ang Itim na Nazareno ay lulan ng isang sinaunang pulang karosa o andas na hila ng mga namamasan ang lubid na abaca patungo sa mga landas ng Maynila. Sa himig ng awiting Viva SeƱor, layunin nilang mahipo ang imahe o makahawak sa lubid.

Ang mga manonood, kabilang ang mga lokal at banyagang turista, sa mga daraanan ay naghahagis ng mga tuwalya o mga panyo sa hijos na nakasampa sa karosa at pupunasan ng mga iyon ang imahe saka ibabalik sa naghagis.

Pinaniniwalaan na ang lubid sa kanang balikat ang pinaka-sagrado sa pahalik na una sa traslacion. Naroon ang paniniwalang may nakagagaling na kapangyarihan ang tuwalya o panyong naipahid sa imahe.

Basahin din: Ang Maikling Kwento
Mga Anyong Lupa

ADVERTISEMENT
loading...