Tinola

Ang tinola ay isa sa pinakapaboritong ulam na may sabaw ng bawat pilipino. mapamatanda o mapabata man ay gustong gusto ito, sapagkat hindi lang ito masarap kundi isa ito sa pinakamadaling lutuin na punong puno ng sustansya.

BASAHIN : Sinigang | Kasaysayan

Kasaysayan

Ang Tinola ay isang sikat na ulam na may sabaw sa pilipinas, maihahalintulad din ito sa pagkaing Binakol at ginataang manok, ang pinagkaiba lang naman nila ay meron itong Gatang sangkap.

Kung inyo ring matatandaan minsan na rin itong nabanggit noon. Sa librong akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere kung saan si Kapitan Tiago ay hinandaan si Crisostomo Ibbara ng Tinola pagkadating niya galing Europa.

BASAHIN : Adobo | Kasaysayan

Mga Sangkap ng Tinola

1Buong manok at hati-hatiin sa maliliit na hiwa
2Kutsara ng mantika
2Kutsara puting sibuyas ( Hiniwa ng maliliit )
2Kutsara ng bawang ( Hiniwa ng maliliit )
2Kutsara ng Luya ( Hiniwa ng maliliit )
Kutsara ng patis
4-5 Tasang tubig
½Piraso ng Chicken Bouillon cube
½ Ng papaya o kaya ng upo
1Tasa ng dahon ng malunggay
Asin ( depende sa panglasa )
Paminta ( depende sa panglasa )

BASAHIN : Dinengdeng | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Tinola

Una : Timplahan ang manok ng asin at paminta.

Pangalawa : Painitan ang mantika sa katamtamang init at igisa ang sibuyas, sabay isabay ang bawang at luya. Idagdag ang manok at bahagyang igisa. Ilagay ang patis at hayaang kumulo.

Pangatlo : Lagyan ng sapat na tubig upang lumubog ang manok at pakuluan. Ilagay ang chicken bouillon cube at ang hilaw na papaya. Haluin.

Pang Apat : Hinaan ang apoy at hayaang kumulo sa loob ng 8-10 minuto. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy

ADVERTISEMENT
loading...