Tikbalang

Tikbalang | Mitolohiyang Pilipino

Ang tikbalang ay isang nilalang na may mala-kabayo ang hitsura. Mayroon itong katawan ng isang tao subalit may mga paa ng isang kabayo.

Ayon sa paniniwala ng mga iilan, nakasasanhi ang tikbalang sa pagkaligaw ng landas ng mga tao, partikular na kapag ikaw ay nasa kagubatan at mga bundok.

Ang mga tikbalang ay kilala dahil sa hilig nitong manigarilyo ng malaking tabako habang nakaupo sa malalaking sanga ng puno. Sila rin daw ay mapaglaro sa napakalawak na gubat at walang tao.

Kapag ikaw ay kaniyang natipuhan upang paglaruan, ay agad ka nitong ililigaw, maglalakad ka ng napakalayo, subalit sa kalunan ay mawawari mo na ikaw ay nasa iisang lugar lamang.

Kapangyarihan ng mga Tikbalang

Nagbabalat-kayo rin ang mga ito, nag-aanyong tao na kalimitan ay ginagawa nila ang mga taong malalapit sayo. Ikaw ay kanilang kakausapin, sasamahan sa iyong paglalakbay at sa inyong paglalakba’y doon ka na niya ililigaw. Hindi mo kaagad malalaman kung ano ang kanilang katauhan dahil na rin sa kanilang kapangyarihan at sa galing magkunwari.

Kung sa tingin mo ay napaglaruan ka ng mga ito, upang makawala sa kanyang kapangyarihan. Ay agad mong baliktarin ang iyong damit upang makontra ang kanyang kapangyarihan.

Kapag may tikbalang na naninirahan sa punongkahoy malapit sa inyong tahanan, magdala palagi ng buntot ng pagi, o kaya isabit ito mismo sa puno.

May mga kasabihan na kapag umuulan habang tirik ang sikat ng araw, ang ibig sabihin ay may ikinakasal na tikbalang. Ang iba namang kwento sa tuwing bilog ang buwan, sila ay lumalabas upang makipaglaro.

Basahin din: Kwentong Bayan
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...