Teodoro Agoncillo

Si Teodoro Agoncillo ang hinirang na Pambansang Alagad ng Agham at kinilala ring Ama ng Makabansang Pananaw sa Pagsulat ng Kasaysayan.

Isinilang si Agoncillo noong ika-9 ng Nobyembre taong 1912 sa Lemery, Batangas, at nakapagtapos siya sa kursong Batsilyer sa Pilosopiya noong 1934 at masterado sa sining noong 1935 sa Unibersidad ng Pilipinas.

Iginiit niyang dapat sulatin ng isang Pilipino ang kasaysayan ng Pilipinas at sa pananaw na Pilipino, ipinakita ito sa kaniyang mga aklat upang matigil ang lubhang pananalig noon sa historyang likha ng mga dayuhan.

Basahin: Panahon ng mga Hapones

Si Teodoro Agoncillo ang pangunahing may akda ng History of the Filipino People. Ito rin ang naging pamantayang sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi ng kaniyang umaabot sa 22 na aklat ang Filipino Nationalism 1872-1971; Malolos: The Crisis of the Republic; The Faithful Years: Japan’s Misadventure in the Philippines; at The Burden of Proof: The Vargas-Laurel Collaboration.

Itinuturing na pinakamahalagang akda ni Agoncillo ang librong kaniyang isinulat na pinamagatang The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the Katipunan sa larangan ng makabayang historyagrapiya.

Umani naman ito ng maraming papuri ngunit binatikos ng ilang kapwa historyador dahil sa mga kontrobersiya. Ipinatigil ang pagpapalimbag sa aklat ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1948.

Basahin din: Dula
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...