Teodora Alonso Realonda

Si Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos o mas kilala bilang Teodora Alonso ay ang ina at naging unang guro ng Pambansang Bayani na si Jose Rizal.

Isinilang siya noong ika-9 ng Nobyembre taong 1827 sa Meisik, Maynila pero siya ay lumaki sa BiƱan at doon na nakapag-aral sa eskuwelahan ng mga pari. Tinawag din siyang Donya Lolay.

Ikinasal siya kay Francisco Mercado noong ika-28 ng Hunyo taong 1848 at nagkaroon sila ng 11 na anak, kabilang ang ating pambansang bayani.

Basahin: Rizal Park

Napakahalaga ng tungkulin ni Teodora Alonso Realonda sa paghubog ng kamalayan ng kaniyang anak na si Jose Rizal. Sinasabing ang kalipunan ng mga libro ni Donya Lolay ang isa sa pinaka-ekstensibong koleksiyon ng kaniyang panahon.

Ang pagmamahal sa sining at panitikan gayundin ang pagiging disiplinado sa pagtupad sa oras ay ang hinubog niyang katangian sa kaniyang mga anak, lalong-lalo na kay Rizal.

Sa isang liham ni Rizal kay Propesor Ferdinand Blumentritt, nakasaad ang kaniyang sinabi na “ang nakuha kong edukasyon noong bata ang humubog sa aking mga ugali sa kasalukuyan”.

Silipin din: Araw ng Pagbomba

Noong 1871, inakusahan si Teodora Alonso Realonda ng tangkang paglason sa kinakasama ng kaniyang kamag-anak na si Jose Alberto. Kahit na idinulog at napawalang-sala ang pagbibintang sa kaniya, napiit pa rin siya sa bilangguan ng Sta. Cruz, Laguna nang dalawang taon.

Pagkaraan ng halos tatlong dekada, ay muling nasangkot si Donya Lolay sa isang kontrobersiya, siya ay hinula dahil mali ang kaniyang dala-dalang sedula. Iba ang nakalagay na pangalan niya sa sedula sa kinagisnan niyang pangalan.

Sa edad niyang 64 taong gulang, walang-awang pinalakad pa rin si Donya Lolay mula bayan ng Calamba hanggang Sta. Cruz. Kaya’t nang mahabag ang opisyal ng pamahalaan sa kalagayan ng matanda, ipinag-utos nitong palayain nalang ito agad.

Basahin din: Bahay na Bato
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...