Tayutay

Ano ang Tayutay?

Ang tayutay o “figure of speech” sa ingles ay isang salita o pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang isang kaisipan o damdamin sa pamamagitan ng mga matalinghagang pananalita.

Sinasadya ng tagapagpayahag na gumamit ng matalinghaga o hindi pangkaraniwang mga salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kanyang saloobin.

Ang paraang ito ay ang karaniwang ginagamit ng mga manunulat upang hindi tahasang tukuyin ang mensaheng nakapaloob sa kanilang mga akda tulad na lamang ng Florante at Laura na isinulat ni Francisco Balagtas.

Basahin: Mga Salawikain

Sa paraang ito mas nahasa ang kaisipan ng mga manunulat at bigyang halaga ang kanilang mga propesyon.

Tulad na lamang ng mga nobelang isinulat ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, may mga mensaheng nakasaad sa kwento na hindi karaniwang naririnig ng mga Pilipino. Halimbawa na rito ang nobelang kaniyang unang isinulat na pinamagatang Noli Me Tangere.

Mga Uri ng Tayutay

  • Simile o Pagtutulad
  • Metapora o Pagwawangis
  • Metonimya o Pagpapalit-tawag
  • Alusyon
  • Sinekdoke
  • Pagmamalabis o Eksaherasyon
  • Apostrope o Pagtawag
  • Eksklamasyon o Pagdaramdam
  • Paradoks
  • Oksimoron o Pagtatambis
  • Personipikasyon o Pagsasatao
  • Panghihimig o Onomatopeya
  • Aliterasyon o Pag-uulit
  • Repitasyon

Basahin ang mga Uri ng Tayutay at ang mga halimbawa nito.

Basahin din: Panitikan ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...