Tambol

Ang tambol o drum sa Ingles ay isang uri ng instrumentong musikal at popular na kagamitang pangmusika na ginagamitan ng kamay o patpat upang mapatugtog ito.

Ang tambol o drum ay mayroong dalawang uri nito: ang snare drum at ang bass drum. Ang snare drum o side drum ay kilala rin sa tawag na karakatak. Ito ay maliit na tambol na ang magkabilang panig ay nababalutan ng balat. Ang isang panig nito ay may ilang metal na liston na nakahalang at pinatutugtog sa pamamagitan ng paghampas ng dalawang patpat sa panig na walang listong metal.

Ang bass drum naman ay higit na mas malaki at malapad kaysa sa karakatak, sa pamamagitan din ng pagpalo ng isa o dalawang pamalong may malambot na balat sa dulo na siyang pinatatama sa panig ng tambol ang nakakagawa ng tunog nito.

Basahin: Agung

Madalas na makikitang ginagamit ang tambol sa mga okasyon tulad ng pista o anumang pagdiriwang upang makadagdag aliw sa mga manonood ng kanilang palabas o pagsayaw.

May mga iilan ding ginagamit ang mga ito sa tuwing sasapit ang Bagong Taon upang makagawa ng malakas na ingay.

Malakas ang tunog na inilalabas ng tambol sa tuwing ito ay hinahampas ng dalawang patpat, kaya’t isa ito sa pangunahing instrumentong ginagamit ng mga musikero lalo na sa mga bandang rock ang tema.

Sa kasalukuyan, hindi kumpleto ang isang banda kung walang tutugtog ng drum dahil napakahalaga ng gampanin nito sa paglikha ng tunog.

Basahin din: Dula
Mga Instrumentong Musikal sa Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...