TAGALOG JOKES

Tagalog Jokes ang kadalasan nating pangtawid kalungkutan o kaya pangpalipas oras kaya, nawa’y mapasaya at mapatawa kayo mga kababayan ng mga Tagalog Jokes na mababasa nyo sa Page na ito.

Ang mga Tagalog Jokes na ito ay hango lamang sa mga kathang isip at kung ano mang mabasa nyo na hindi wasto ay huwag ninyong seryosohin sapagkat ito’y biro at gawa gawa lamang.

#1 May isang lasing sa daan. na nakita ng isang pulis

PULIS: Hoy, Lasing ka ba ? umuwi ka nga.
LASING: Sinong lasing? hindi naman ako lasing ah
PULIS: Lasing ka! halata hindi mo ba ko nakikilala?
LASING: Nakikilala kita, PULIS KA!! eh ako ba kilala mo ?
PULIS: Hindi
LASING: Oh kita mo na! edi ikaw yung lasing!

#2 Si Misis at Mister

Isang araw sa CR:
MISIS: Mahal ikaw ba ang nariyan?
MISTER: Opo mahal
MISIS : Kukunin ko lang yung tuwalya ko
MISTER: Wait lang kasi nakabrief lang ako
MISIS: Okay sige
MISTER: Sige pasok kana wala na kong brief
MISIS: Siraulo!! puro ka kalokohan kailangan ko lang ng tuwalya lintek ka! pag ako nabwisit sayo putol yan

#3 Mag kasintahang nag-aaway

GIRLFRIEND: Siraulo ka!!
BOYFRIEND: aba siraulo ka din!
GIRLFRIEND: Hayup ka!
BOYFRIEND: Hayup ka din!
GIRLFRIEND: Tanga ka naman
BOYFRIEND: Mas tanga ka
GIRLFRIEND: ang dami mong sinasabing supot ka
BOYFRIEND: Sorry na babe! eto naman patawarin mo na ko

#4 May isang Siga na maraming tattoo ang kumain sa Restaurant

SIGA: waiter
WAITER : Ano po yun sir ?
SIGA : Bigyan mo nga akod ito gn isang buong lechon manok at limang boteng beer.
WAITER: Sgie po pakihintay nalang po!

(Makalipas ang ilang minuto dumating na ang order ng Siga at nag simula na syang kumaen at uminom, at ng matapos na syang kumain lumapit sakanya ang waiter)

WAITER: Sir ito po lahat ng babayaran nyo
SIGA: Anong babayaran ? Hindi mo ba ko kilala ?
WAITER: Hindi po!
SIGA: Pwes magpapakilala ko, Ako lang naman ang siga dito hawak ko ang mundo kung makikita mo may tattoo akong cobra sa kanang braso ko may tattoo akong bulldong sa kaliwang braso ko may tattoo akong agila sa likod ko at tattoo akong tiger sa dibdib ko kaya baka gusto mo itattoo ko din yung muka mo dito sa paa ko ?
WAITER: teka lang po sir ah tatawagin ko lang po
SIGA: Sige pag untugin ko pa kayo ng amo mo

(Makalipas ang ilang oras lumapit ang may ari ng restaurant at kinausap yung siga)

MAY ARI NG RESTAURANT : mawalang galang lang po bakit ayaw mo mag bayad ?
SIGA: Bakit mo ko pagbabayarin di mo ba ko kilala?
MAY ARI NG RESTAURANT : bakit sino ka ba ha? ( sabay tutok ng shotgun sa ulo )
SIGA : Ako lang naman po si boy panot na may hawak na jolen may tattoo akong bulate sa kanang braso ko at may tattoo akong tuta sa kaliwang braso ko meron din akong sisiw na tattoo sa likod at may pusang tattoo sa dibdib magkano po ba bill ko ?

#5 Napanaginipan kita kagabi

Napanaginipan kita kagabi, nakaupo ka sa tabi ng ilog at nag-iisa at parang may mabigat na problemang dinadala sapagkita kita sa mukha mo na nahihirapan kana, at nung naisipan ko na lapitan kana para yakapin ka
Bigla kang tumayo
at naghugas ng pwet lintek ka!

Kung naghahanap ka ng palaisipan at mga halimbawa nito maaring pindutin lamang ang link na ito (Palaisipan | Kahulugan at mga Halimbawa)

#6 Ano ang nakakagulat na pagkain?

JUAN: Ano ang nakakagulat na pagkain pedro?
PEDRO: teka ano nga ba ?
JUAN: Edi sabaw tsaka kanin!
PEDRO: Pano namang naging sabaw tsaka kanin?
JUAN: Kasi SOUP RICE

#7 Waiter

May isang restaurant na lahat ng waiter ay abalang abala sapagkat marami silang costumer sa araw na iyon ng biglang may isang costumer ang lumapit at nagtanong

COSTUMER: bat ang tagal ng order namin ?
WAITER: Paantay nalang po sir
COSTUMER: bakit ako yung kailangan mag antay? eh diba kayo dapat kaya nga kayo WAITER

#8 Dear Love

Dear Love

Una sa lahat at hindi sa huli
Nagsulat ako dahil may papel at ballpen ako
alam mong crush kita hindi yung crash sa eroplano
kundi crush sa puso
hindi sa puso ng saging kundi sa puso ng tao
hangad ko ang kaligayahan mo sapagkat ito’y kaligayahan ko din
kalungkutan mo ay kalungkutan ko din
kamatayan mo aba solohin mo
ayoko pa mamatay no di ako tanga para sumama sayo
ngunit hiling ko lang na kapag nabasa mo itong sulat ko sana’y sulatan mo din ako
ito ang aking address Bulag st. Di Makita Hanapin City

Nagmamahal
na ang bigas

#9 Birthday

PEDRO: Pareng Juan, malapit na kaarawan ko punta ka ah
JUAN: Oo naman ikaw pa ba!
PEDRO: Ikaw ba pareng Juan kelan ba kaarawan mo ?
JUAN: Pedro August 30, pre
PEDRO: Anong taon ?
JUAN: Syempre taon-taon alangan namang minsan lang edi di na ko tumanda nun, engot mo talaga pare

#10 Nawawalang sahod

MISIS: Aba lintek ka lasing ka na naman!
MISTER: Grabe naman to nakainom lang naman ng konti
MISIS: Nakainom ng konti daw letse ka! bakit nga pala kulang ng isang libo yung sahod mo ?
MISTER: Kasi nung nag inom kami yung 200 pinangbayad ko sa beer
MISIS: eh yung 800 asan ?
MISTER: Binigay ko dun sa babaeng sumasayaw, walang damit eh kaya naawa ako

Kung nais mong basahin ang Florante at Laura at tungkol sa mga tauhan ng kwento maaring pindutin lamang ang link na ito (Florante at Laura | Kasaysayan at mga Tauhan)

#11 Floral

JUAN: Pedro anong tawag sa damit na maraming bulaklak na design?
PEDRO: ang dali naman ng tanong mo edi Floral
JUAN: ano namang tawag sa damit na isa lang yung bulaklak na design?
PEDRO: ano ?
JUAN: Edi Singular

#12 Holdaper

Sa isang madalim na eskinita
HOLDAPER: Holdap to labas mo pera mo
JUAN: Lintek na yan ikaw na naman ? pang ilang holdap mo na sakin to ah
HOLDAPER: ganun talaga pag businessman dapat maalaga sa mga costumers

#13 TUBIG

PEDRO: Juan pano mo idedescribe yung pwet ni marta ng hindi nakakabastos ?
JUAN: siguro itatanong ko kung yung pwet nya made from water
PEDRO: Ha! bakit naman ?
JUAN: kasi kung titignan mo pedro its TUBIG

#14 Juan at Pedro

JUAN: pareng Pedro ano kaya tingin mong maganda kong gawin para pumayat ako ?
PEDRO: Edi mag jogging ka
JUAN: araw araw na ko nagjogging pare wala pa din
PEDRO: Tanga magjogging ka palayo ng kusina nyo palagi

#15 Ang Kabet

MISIS: Hoy walang hiya ka malaman laman ko may kabit ka palang 18years old
Mister: aba huli kana sa balita ah 23 years old na sya ngayon

Naghahanap ka ba ng mga Knock Knock tagalog Jokes? Maaring pindutin mo lamang ang link na ito (Knock Knock Jokes (Tagalog))

#16 May kasabihan tayong

Ang babaeng di marunong magluto
dapat humanap ng lalakeng hindi marunong kumain

#17 Muntik ng maging top 1

ANAK: Mama alam mo ba muntik na ko maging top 1 sa klase kanina
MAMA: Oh! talaga anak aba mabuti yan, pero teka pano mo na nasabi?
ANAK: pano ba naman mama yung tinawag na ni Ma’am yung top 1 yung katabi ko tinuro nya edi pakiramdam ko malapit lapit na ko dba. dikit na eh

#18 Mahina sa Math

NANAY: anak alam mo ang hina mo talaga sa math, 1 to 10 lang di mo pa mabilang
ANAK: grabe naman kayo sakin nay, si tatay nga mas mahina pa sakin sa math eh
NANAY: aba bakit naman?
ANAK: pano nung isang gabi narinig ko sya sabi nya ” Tama na inday hanggang tatlo lang kaya ko eh “

#19 Officemates

MISIS: Aba abusado ka bakit ngayon ka lang umuwi?
MISTER: eto naman pasensya kana, nagkayayaan lang naman kami ng mga officemates ko mag inom eh
MISIS: Lasing ka no ?
MISTER: ako lasing? hindi ah
MISIS: Anong hindi lasing ka, wala ka namang trabaho eh pano ka nagkaron ng officemates?

#20 Assignment

JUNJUN: Nay alam mo ba very good ako kanina
NANAY: oh! papano ?
JUNJUN: kasi nay kanina nagtanong si Ma’am tapos ako lang yung nakapag taas ng kamay at sumagot
NANAY: aba very good nga ah, ano ba yung tinanong ?
JUNJUN: Kung sino po walang assignment

Nabitin ka ba sa mga Tagalog jokes na ito? kung ganun nga eh maaring pindutin lamang nag link na ito upang makakita pa ng maraming joke : Green Jokes

ADVERTISEMENT
loading...