Suman

Ang Suman ay isa sa pinakapopular na kakanin sa Pilipinas, noong una ay may iisang bersyon lang ito ngunit habang lumilipas ang panahon, padami na ng padami ang bersyon nito na posibleng maging swak lalo sa panlasa mo. Ngayon ay meron nang Suman sa Ibos, Suman sa Lihiya at Balinghoy.

BASAHIN : Pitsi Pitsi | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Suman ay isa ring lutong kakanin na orihinala na gawa sa Pinas at ito ay gawa sa malagkit na bigas na niluto sa gata at binalot sa dahon ng saging. Kung wala namang malagkit na bigas pwede ka gumamit ng kinudkod na kamoteng kahoy. Niluluto ito sa isang kaserola kung saan papasingawan hanggang maluto, masarap ito lalo na pag binudburan ito ng asukal o latik.

At alam nyo ba na ang Suman ay nasa pang pito sa ” 100 best things about being Pinoy ” na mahahanap ninyo sa kahit anong online website kung saan kabilang siya sa iba pang masasarap na pagkain at kakanin.

BASAHIN : Kutsinta | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Suman

1⁄2 Kilo ng Malagkit na bigas
1Kutsarita ng Lihiya
400Grams ng Asukal ng Niyog
2Lata ng Gata ng Niyog
Panali
Dahon ng Saging

BASAHIN : Bibingka | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Suman

Una : Ihanda ang dahon ng saging at putulin ito ng 10 pulgada ang haba at lapad, sabay painitan ito sa uling o kalan upang matanggal ang mantika ng dahon (Iwasang tagalan ang dahon sa apoy sapagkat maari itong masunog).

Pangalawa : Ibabad ang malagkit na bigas sa Gata ng niyog sa loob ng 1 oras at 30 minuto, pagkatapos ay salain ito at haluan ng Lihiya. Haluin mabuti hanggang magkulay dilaw.

Pangatlo : Ngayon magtakal ng tatlong kutsara ng malagkit na bigas sa dahon ng saging. At irolyo ito ng mabuti, siguraduhin muna na walang butas ang bawat dulo pagkatapos ay talian na ito. pagkatapos niyan ilagay na ang mga suman sa malaking kaserola at pakuluan ito ng isang buong 2 oras.

Pangapat : habang inaantay ang 2 oras, kumuha ng 1 delata ng gata ng niyog at 400 grams ng asukal sabay pagsamahin sa isang kaserola at haluin ng dahan dahan. habang pinapainitan ito.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...