Sisig

Ang sisig ay isa sa pinaka-kilalang putahe sa Pilipinas na siyang naimbento ni Lucia Cunanan o mas kilala sa tawag na Aling Lucing.

Ang sisig ay isang putaheng gawa sa maliliit na piraso ng parte ng mukha at tenga ng baboy na may atay ng manok.

Ang mga hakbang na ginagamit para lutuin ang sisig ay pagpapakulo at pag-iihaw. Una munang nilalaga ang ulo ng baboy para tanggalin ang buhok nito at mapalambot ang karne.

Sunod ay tinatadtad ang baboy pagkatapos ay iihawin. Pangwakas, ay dinadagdag ang tinadtad na sibuyas at sili, inihahain ito sa mainit na plato at kung nais mong dagdagan pa ang mga sahog nito, maaari mong lagyan ng itlog, at utak ng baka.

Basahin: Bulalo

Nagmula ang sisig sa lungsod ng Pampanga at taun-taon ay idinaraos nila ang Sisig Festival tuwing Disyembre. Ang mga Kapampangan ay nagkakaroon ng paligsahan kung saan ang mga kusinero ay nagpapagalingan sa paggawa ng mga iba’t-ibang putahe.

Ang ibang mga kusinero naman ay sinusubukan ang ibang sangkap maliban sa baboy, tulad ng manok, pusit, tuna, at tokwa upang gawing sisig.

Hindi lang sa Pampanga sikat ang putaheng ito, pati na rin ang ibang lungsod at probinsya ay tinatangkilik ang pagkaing ito na siyang pasok sa panlasa ng mga Pilipino.

Basahin din: MassKara Festival
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...