Sipa

Ang Sipa ay isang uri ng larong panlibangan, o ang laro na ginagamitan ng isang bilog at pinisang piraso ng bakal na may buntot na mga hibla ng plastik.

Ito rin ay ang tinaguriang “Ang Pambansang Laro” ng Pilipinas. Ito ay nilalaro sa pamamaraang pag sala ng sipa. Maaaring saluhin ng paa, tuhod, siko o braso.

Karaniwan itong iniuugnay sa larong sepak takraw, ang sipa ay nilalaro ng dalawang pangkat ng manlalaro. Sa loob o laban man, sa isang kort na sinlaki ng laruan ng tennis.

Ang bawat pangkat ay binubuo ng isa o dalawang manlalaro na ang layunin ay ang sipain ang bolang yari sa yantok mula sa sariling kort patungo sa kabila, at balikan, nang dumadaan sa ibabaw ng net sa ginta.

Basahin: Palaisipan

May nalinang na ibang bersiyon ang sipa, isa na rito ay ginagamitan ng pinagsamang goma o tingga na may itinaling maikling straw bilang palawit.

Ang laruang ito ay sinisipa ng mga lalaki gamit ang panloob na bahagi ng kanilang paa, at ng mga babae gamit naman ang kanilang panlabas na bahagi ng kanilang paa.

Binibilang ang puntos batay sa dami ng magkakasunod na sipang magagawa ng bawat manlalaro nang hindi nahuhulog ang laruan sa lupa.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Mga Anyong Tubig

ADVERTISEMENT
loading...