Siopao

Ang siopao ay isang pinausukang tinapay o manok na gawa mula sa bigas, hinango sa kultura ng mga Intsik. Laman nito ay manok, baka, gulay, at mga panimpla.

Ito ay nagmula sa kultura ng mga Intsik na ibinahagi sa ating mga Pilipino, inihanay ang putaheng ito sa palitam ng produkto noong taong 960 A.D. Mga pagkain ng mga Intsik na natanggap at natutuhan nang kainin ng mga pinoy tulad ng pansit, lugaw, siomai, kikyam, ampaw at iba pa.

Madali lang itong gawin, kinakailangan lamang intindihin ang bawat pamamaraan sa pagluluto.

Basahin: Sisig

Una, ay ang pagpapaalsa ng masa at ang pagpili ng nais na palaman. Ang pagkakaroon ng hangin sa masa ang isang dahilan ng pagdapa ng siopao. Lolobo ito kapag pinasisingawan at pag hinango, iimpis ito na parang lastiko ang kunat ng tinapay.

Sa paggawa naman ng palaman, kinakailangang malapot ang salsa upang hindi magtubig. Sa pagpapasingaw, maaaring sapnan ng tela ang ibabaw o alisin ang takip matapos mapasingawan.

Hayaan ito ng ilang minuto upang maalis ang pamamasa at huwag kalimutang lagyan ng suka ang tubig sa pasingawan upang maging maputi ang resulta.

Maaari ring gumamit ng gulay at iba pang mga uri ng karne bilang palaman sa loob nito.

Basahin din: Pahiyas Festival
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...