Sinulog

Ang Sinulog Festival ay isa sa pinakamalaking selebrasyon na inaabangan ng mga Cebuano at ng mga deboto ng Señor Santo Niño.

Kasaysayan

Kapag pinag-uusapan ang sinulog, ang makukulay na kasuotan at ang engrandeng parada ang palaging pumapasok sa kaisipan ng nakararami.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, mas makulay ang kasaysayan ng pagdiriwang na ito. Ang imahen ng Santo Niño ay isang baptismal gift ng isang manlalakbay na Portuguese na si Ferdinand Magellan nang dumaong siya sa Cebu noong 1521.

Ibinigay niya ito kay Reyna Juana, ang asawa ng chieftain ng Cebu na si Rajah Humabon. Ang dalawang pinuno rin ang unang naging Kristiyano sa bansa na tanda ng kanilang pagkakaibigan.

Ayon naman sa paniniwala ng karamihan, nagsimula ang Sinulog Festival sa pangunguna ni Baladhay. Isa siya sa mga nasasakupan ni Haring Humabon.

Kung minsan ay nagkasakit siya at nang inutos ng Hari na dalhin siya sa kwarto kung saan nakalagay sa altar ang imahe ng Señor Santo Niño, sinabi niya na doon na umano siya mamamatay.

Basahin: Araw ng Kalayaan

Ngunit biglang nagkaroon ng kaguluhan sa nasabing kwarto at nakita ng mga tao si Baladhay na may hawak na itak habang kaharap ang Santo Niño.

Nang tanungin kung bakit ito may hawak na itak, idinahilan niya na kinukulit siya ng bata habang siya ay natutulog. Dagdag pa nito, kinikiliti siya ng bata gamit ang isang patpat. Sumayaw din umano ang pilyong bata habang iwinawagayway ang patpat at siya naman daw ay napasayaw din.

Nawala ang bata nang dumating ang mga tao at nakita niyang bumalik ito sa altar. Dahil sa kwentong ito, pinaniniwalaan na sina Baladhay, kasa ang batang Santo Niño ang nagpasimula ng sayaw ng sinulog.

Silipin din: Buwan ng Wika

Ang kasalukuyang sinulog ngayon ay isinasagawa tuwing ikatlong linggo ng Enero kasabay ng kapistahan ng Señor Santo Niño de Cebu.

Ang sayaw ng sinulog ay dalawang hakbang pasulong at isang paatras sa saliw ng nakakaindak na musika. Isa itong ritwal na nagpapakita ng Paganismo at ang pagtanggap ng mga Pilipino sa Kristiyanismo.

Sa paglipas ng taon, hindi na lamang sayaw ang ipinapakita dahil naging bahagi na rin ng pagdiriwang ang mga parada ng mga float, higantes at iba pang pakulo.

Tingnan din: Traslacion

Naging pangunahing atraksiyon na rin ng turismo ang sinulog na dinarayo na rin ng mga turista, lokal man o dayuhan.

Basahin din: Bagong Taon
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...