Sinigang

Ang sinigang ay isa sa mga pinakatampok na putahe sa Pilipinas na maaaring may sangkap na karne, isda o iba pang laman-dagat.

Pangunahing katangian ng lutong ito ay ang kaniyang napara at may kaasiman na sabaw. Karaniwang sinasahugan at tinitimplahan ito ng mga maaasim na prutas, katulad ng sampalok, kamyas, o bayabas.

Kasaysayan

Nagmula ito sa mga Pinoy noong panahon bago ang hispanikong kapanahunan na nagpapakulo lamang upang makaluto ng pagkain. Ang mga pangkaraniwang kinakain noon ay baka, manok, isda, ahas, butiki, at marami pang iba. Pinapakuluan lamang ang mga ito, at naghahanap sila ng mga pampalasa na siyang idinaragdag dito.

Karaniwang may sangkap na karne ng baboy, hipon o bangus, at mga dagdag na sangkap na kangkong, kamatis, sibuyas, at gabi. Hindi maituturing na sinigang kung wala ang tradisyunal na pampa-asim na ginagamit ng mga Pinoy, ang sampalok.

Dahil maraming tumutubong puno ng sampalok sa mga bukirin ng Pilipinas, laging ginagamit ng sinaunang Pilipino ang sampalok bilang pang-paasim sa putaheng ito.

Maging ang ating bayani na si Lapu-Lapu ay paborito ang sinigang na isda sa mangga at si dating Pangulong Ninoy Aquino na paborito ang sinigang na bangus.

Basahin: Adobo

Bagamat, pangkaraniwang Tagalog ang Sinigang, nagkaroon na rin ng iba’t ibang bersyon sa Visayas at Mindanao. Dahil sa iba’t ibang bersyon nito, lumalabas na rin ang pagkamalikahain ng mga Pilipino at ang madaling pakikiangkop sa sitwasyon dahil sa paghahanap ng pangpaasim kung walang mabibiling sampalok.

Paano niluluto ang Sinigang?

Naririto ang mga sangkap:

  • Karne ng baboy, baka, hipon o bangus
  • labanos
  • kamatis
  • sibuyas
  • sitaw
  • kangkong, petchay
  • paminta, asin, sili, magic sarap at sampalok

Proseso:

  1. Ilagay ang karne, sibuyas at gabi sa isang kaserola para sa pagpapalambot ng karne.
  2. Lagyan din ng asin at magic sarap upang kumapit ang lasa sa karne ng baboy.
  3. Pakuluin ang karne,sibuyas at gabi hanggang ang karne ay lumambot.
  4. Kapag ang gabi ay malambot na ligisin ito o durugin ang gabi upang maging malapot ang sabaw ng iyong sinigang na baboy at siguraduhing malambot na ang karne bago ilagay ang kamatis upang magkaroon ng kulay ng iyong sinigang at asim.
  5. Pag naluto na ang kamatis at malambot na ang karne maaari mo nang ilagay ang petchay at sili na berde .
  6. Lutuin ang petchay nang hindi hilaw at hindi rin naman sobra sa luto at kapag nailagay na ang lahat ng sangkap, ilagay naman ang sampalok bilang pang-paasim sa iyong niluluto.
  7. Tikman ang iyong niluto upang matantya mo ang tamang lasa at maaari mo na itong ihanda sa inyong hapag kainan.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Pahiyas Festival

ADVERTISEMENT
loading...