Sinampalokang Manok

Marami sa ating mga pinoy ay paboring lutuin ang Sinampalokang manok lalo na pag tag-ulan. Sino ba naman kasi ang hindi gugustuhin ang putahe na ito sa mga ganung pagkakataon sapagkat ito ay may maasim-asim na lasa, kasabay ng mainit nitong sabaw na gigisingin ang ating katawan.

BASAHIN : Sinigang | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Sinampalokang manok at kilala din sa pangalang Sinampalokan. Ang sinampalokan ay marami ng iba’t ibang uri ng bersyon, ngunit ang pamilyar sa lahat ay ang Sinampalokang manok.

Ang Sinampalukang Manok ay medyo maiuugnay natin sa Sinigang sapagkat sa kung paano ito iluto at itsura pagkatapos ng pagkakaluto, ngunit pagkatikim natin rito malalaman agad naman nating lahat ang kanilang pinagkaiba sapagkat ang sinampalukan ay maasim dahil kailangan ito gamitan ng sampalok at ang Sinigang ay hindi.

BASAHIN : Kare-Kare | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Sinampalokang Manok

1Buong manok ( Hiwain bawat parte
5Butil ng bawang ( Hiwain ng malilit )
1Maliit na Sibuyas ( Hiwain ng sakto lang )
1Kutsarang Luya
1Malaking Kamatis
14 Tasa ng Patis
3Tasa ng tubig
1Pack ng Sampalok powder o Sinigang mix
4Na kutsarang matika
Asin at Paminta depende sa panglasa

BASAHIN : Menudo | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Sinampalokang Manok

Una : Gisahin sa mainit na mantika ang sibuyas at bawang. Kapag transparent na ang bawang, ihalo ang luya, tapos kamatis, at durugin ito.

Pangalawa : Ihalo ang manok at prituhin sa ginisang sangkap. Hayaan ng 5 minuto, tapos idagdag and patis. Hayaan manuot ang lasa ng patis ng 3 minuto.

Pangatlo : Idagdag ang tubig at tamarind powder. Hayaang kumulo ng 30 minutes o hanggang sa malambot na ang manok.

PangApat : Idagdag ang gulay (ayon sa pinakamatagal maluto gaya ng gabi o labanos, hanggang sa pinakamabilis gaya ng kangkong) at hayaang maluto.

Pangapat : Ilagay ang mga green peas at pakuluin muli hanggang maging mainit ang mga ito. Ihain kasama ang mainit na kanin. 

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...