Sigbin

Sigbin | Mitolohiyang Pilipino

Mula sa mitolohiya ng Pilipinas, ang sigbin ay isang kakaibang uri ng hayop na pinaniniwalaang matatagpuan sa Visayas at Mindanao lamang.

Ang hayop na ito ay maikukumpara sa kambing o di kaya ay sa kangaroo, ang mukha ay may kahalintulad ng sa paniki.

Ayon naman sa mga taga-panaliksik, ito ay bagong tuklas na hayop na natagpuan sa Borneo, isang uri ng hayop na karniboro o kumakain ng karne.

Patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon para matukoy kung ano nga bang klaseng hayop ito.

Ang sigbin ay aktibo sa gabi upang maghanap ng kanilang pagkain, kadalasan ang kanilang kinakain ay ang lamang loob ng isang tao, dugo at mga hayop.

Ang sigbin ay may mahabang buntot, mabaho at may nakakasulasok na amoy, ang kanilang mapulang mata ay dahilan sa pagiging aktibo nila sa gabi.

Ayon naman sa paniniwala ng mga tao, kapag mayroon kang nahuling sigbin, ito ay nakapagbibigay ng swerte sa lahat ng bagay na iyong gagawin.

Sinasabing kung lumakad raw ang hayop na ito ay patalikod o paatras. Nagtataglay din daw ang nilalang na ito ng mahabang buntot gaya ng latigo at may masangsang na amoy.

Ito ay tinatago ng aswang sa isang sisidlang banga kasama ng nilalang na nasa anyong hayop din na kilala sa katawagang “wakwak”.

ADVERTISEMENT
loading...