Severino Reyes

Si Severino Reyes ay kilala at tinaguriang Ama ng Sarsuwelang Tagalog at kilala rin siya bilang isang mandudula, direktor, at mangangatha.

Ipinanganak si Severino Reyes noong ika-11 ng Pebrero taong 1861 sa lugar ng isang eskultor na si Rufino Reyes at Andrea Rivera.

Napangasawa niya si Maria Paz Puato at nagkaroon sila ng 17 na anak, una siyang nakapag-aral kay Catalino Sanchez, at nagtapos ng sekundarya at ng batsilyer sa sining sa Colegio de San Juan de Letran, at pilosopiya at literatura naman sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Ang pinakaunang dulang naisulat ni Severino Reyes ay pinamagatang R.I.P na isinulat niya noong 1902. Naging mapanuri ito sa komedya, ang anyong pandula na popular noon.

Kasunod nito, isinulat at idinirihe rin niya ang Walang Sugat, ito ay isang naging bantog na sarsuwela.

Basahin: Balagtasan

Kabilang din sa mga sarsuwelang naisulat niya ay ang Minda Mora na isinulat niya noong 1904, Filipinas para sa los Filipino noong 1905, Ang Pagbibili ng Pilipinas sa Hapon noong 1906, Ang Bayani ng Puri noong 1922 at Ang Puso ng Isang Pilipina na nailathala niya noong 1923.

Ilan naman sa mga dramang naisulat niya ang Sigalot ng mga Filipino at Americano 1898 at Ang Sigaw ng Balintawak. Si Severino Reyes din ang nag-organisa ng Gran Compania de la Zarzuela Tagala noong 1902 para itanghal ang kaniyang mga dula sa mga teatro ng Maynila at iba pang entablado sa mga kalapit na lalawigan.

Nang nagbukas naman ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito at sinasabi na lumaki ang sirkulasyon ng magasin dahil sa kaniyang seryeng Mga Kuwento ni Lola Basiang.

Mga Kwento ito ng kababalaghan at hango sa mga lumang alamat at metriko romanse na naging popular noong panahon ng EspaƱol. Bukod sa ginawa itong libro noong 1975 at 1976, ginamit din ito bilang serye sa radyo.

Basahin din: Lope K. Santos
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...