Sawikain

Ang sawikain ay tumutukoy sa mga matatalinghagang salita na karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ay karaniwan ding tinatawag na idyoma.

Isa itong pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa madaling sabi, ito ay hindi binubuo ng hustong kahulugan ng mga salitang nabuo.

Mga Halimbawa ng Sawikain o Idyoma

Sawikain (Salitang Nabuo)Kahulugan
butas ang bulsawalang pera
pusong mamonmatulungin, mabait
ibaon sa hukaykalimutan
tengang kawalinagbibingi-bingihan
ilaw ng tahananina, nanay
haligi ng tahananama, tatay
di-makabasag pinggantahimik, mahinhin
halik ni hudas pagtataksil, traydor
saling pusapansamantalang pakikilahok
utak biyahirap makaintindi

Basahin: Salawikain o Kasabihan

Ito ay kadalasang salita o kalipunan ng mga salita na hindi inihahayag ang kahulugan, ito rin ay maaaring isang motto o pagpapahayag ng damdamin.

Sawikain (Salitang Nabuo)Kahulugan
agaw-buhaynaghihingalo
anak-pawismagsasaka, manggagawa
balitang kutserotsismis, hindi totoong balita
bantay salakaytaong nagbabait-baitan
balat sibuyastaong maramdamin
balat kalabawmakapal ang mukha
buto’t balatpayat na payat
makapal ang bulsamaraming pera, mayaman
sukat ang bulsamarunong humawak ng pera
mabigat ang kamaytamad magtrabaho
magdilang anghelmagkatotoo sana ang sinabi
itaga sa batotandaan
hampas lupalagalag, busabos
makitid ang isipmahina ang pang-unawa
matigas ang leegmapagmataas, di namamansin
maitim ang budhimasamang tao
mababaw ang luhaiyakin
takipsilimpaglubog ng araw
matalas ang utakmatalino
makuskos balungosreklamador

Basahin din: Wika
Panitikan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...