Sarimanok

Sarimanok | Mitolohiyang Pilipino

Ano ang Sarimanok?

Ang sarimanok ay isang maalamat na ibon ng mga Maranao ng katimugang Pilipinas. Ito rin ay isang okir na karaniwan ay gawa sa tanso.

Sa anyo ng isang nakatayong ibon, na malamang ay isang susulbot na may nakasabit na isda sa tuka nito.

Walang sinuman ang makapagbigay ng tiyak na pinagmulan ng nasabing nilalang na ito, may kuro-kurong ito ay isang totem na ibon ng mga Maranao, na kung tawagin ay itotoro.

Ang kakaibang ibon na ito ay nagsisilbing tulay nila sa mundo ng mga espiritu sa pamamagitan ng ‘di nakikita nitong kakambal na ibon na kung tawagin ay inikadowa.

Ayon naman kay Akram Latip na isang iskolar na Maranao, “halos lahat ng mga sarimanok ay ninilikha ng mga taga-Tugaya”, kung saan karamihan sa mga taga-rito ay manlililok.

Dahil sa kanyang kakaibang anyo, ito’y naging isang tanyag na simbolo para sa sining Maranao sa kontemporaryong panahon. Ang Sarimanok ay isang larawan ng suwerte at kapalaran na tanyag sa buong bansa.

Ipinapahiwatig rin ng mga kuwentong pinagmulan ng Sarimanok ang pagiging makulay ng kulturang Maranao at Pilipino na makikita na pinaghalo-halong kultura ng Hindu, Muslim at marami pang iba sa pagkababuo nito.

Basahin din: Mga Maikling Kwento
Mga Mitolohiya ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...