Sandugo

Ang sandugo ay isang ritwal ng mga sinaunang Pilipino bilang tanda ng kapatiran at pakikipagkaibigan nina Miguel Lopez de Legazpi at Datu Sikatuna.

Ang nasabing ritwal ay naganap sa isla ng Bohol noong ika-16 ng Marso taong 1565. Karaniwan itong ginagawa ng mga pinuno ng dalawang pangkat na nagkasundo, ang magkabilang panig ay ang magkasandugo, iinom sila ng ilang patak ng dugo ng isa’t-isa na nakahalo sa alak.

Ang nagsasandugo ay animo’y nagmimistulang magkapatid at kung gayon, nangangako silang tutulungan at ipagtatanggol ang isa’t-isa hanggang sa kamatayan.

Basahin: Corregidor

Bilang panutay ng kanilang kapatiran, mayroong mga magkasandugo na nagbibigay sa isa’t-isa ng katawagan. Maaari rin silang maghati o magpalitan ng mga bagay tulad ng damit at maging ang kasintahan.

Sa mga pagkakataong malayo sila sa isa’t-isa, maaari silang mangako na hindi sila titikim ng isang partikular na inumin o pagkain hanggang sa sila ay magkitang muli.

Ang pagpasok sa isang sandugo ay nakatutulong sa pagtigil o pag-iwas sa mga away at sa pagkakaroon ng kapayapaan.

Ang kahalagahan o importansya ng sandugo ay mababatid sa karanasan ng mga mananakop na Español na nag-umpisang dumating sa Pilipinas noong siglo 16.

Marami sa kanilang mga pinuno, simula pa kay Ferdinand Magellan ang nakipagkasundo sa iba’t-ibang datu, allo na sa mga pamayanan sa Bisayas. Tinatawag itong pacto de sangre sa wikang Español.

Basahin din: Kartilya ng Katipunan
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...