Sampaguita

Ang Sampaguita (Jasmin/Jasmine) sa ingles ay isang uri ng palumpong na may maliliit, mababango at mapuputing mga bulaklak.

Tinagurian din ito bilang “Ang Pambansang Bulaklak” ng Pilipinas na karaniwang nakikitang pansabit sa mga santo at rebulto.

Ang mapuputi nitong bulaklak ay mahalimuyak, subalit ang ibang bahagi nito ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan.

Ginagamit din ang ibang bahagi ng halaman bilang gamot, halimbawa na nito ay ang paggawa ng tsaa gamit ang bulaklak nito. Ang tsaang gawa sa halaman ng Sampaguita ay mabisa bilang gamot.

Ang dahon naman ay karaniwan ding ginagamit sa paggawa ng tsaa o kaya’y dinidikdik upang magamit na pantapal.

Narito ang mga sakit at kondisyon na maaaring magamot ng Sampaguita:

  1. Lagnat – Kailangang ipainom sa taong may lagnat ang tsaa mula sa dahon at bulaklak ng sampaguita, makatutulong ito upang bumaba ang lagnat.
  2. Ubo – Nakatutulong din ang tsaa nito para sa ubo o paninikip ng lalamunan.
  3. Pagtatae – Pinaiinom naman sa mga taong dumaranas ng pagtatae ang tubig na hinaluan ng pinatuyong bulaklak at dahon ng Sampaguita.
  4. Iritasyon sa mata – Makatutulong ito upang humupa ang pamumula at pangangati ng mata. Maghugas gamit ang tubig na hinaluan ng pinatuyong bulaklak nito.
  5. Pagpapasuso – Ang produksyon ng gatas ng ina na nagpapasuso ng bagong silang na sanggol ay maaaring matulungan ng dahon ng Sampaguita.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...