Salinta Monon

Si Salinta Monon ay isang Pilipinong manghahabi ng kanilang tradisyonal na telang tinatawag na inabal. Tinagurian din siyang pinakahuling tagahabing Bagobo.

Nang ang sining ng paghahabi ay nanganganib nang maglaho, ginawaran si Salinta Monon ng Gawad Manlilikha ng Bayan ng Bansalan, Davao del Sur noong taong 1998.

Ipinanganak siya noong ika-12 ng Disyembre taong 1920 at lumaki sa bayan ng Bituag, Bansalan na matatagpuan din sa Davao del Sur, Pilipinas.

Maagang natutong maghabi si Salinta Monon, sa murang edad na 12, ninais at hiniling niya sa kaniyang ina na ituro sa kaniya ang sining ng kanilang mga ninuno. Kaya magmula noon, ginugol niya ang mahabang oras at panahon ng kaniyang buhay sa paghahabi.

Basahin: Masino Intaray

Kinikilala ang kaniyang mga likha dahil sa mataas na kalidad at komplikado nitong mga disenyo. Dala ng kahusayang ito ang kaalaman niyang hindi pa napapantayan ng sinuman.

Sinasabi namang tanging sulyap ang kailangan ni Salinta Monon upang mabatid ang klase ng disenyo at ang identidad ng humabi sa inabal.

Ang proseso ng paggawa ng sining na ito ay matagal at komplikado, kahit mismo ang pinakamahusay na manghahabi ay inaabot ng tatlo hanggang apat na buwan bago matapos ang telang may sukat na 3.5 metro x 42 sentimetro o katumbas ng isang paldang yari sa abaka.

Sa kabila nito, ang presyong kaniyang itinakda sa mga likha niya—mura man o mahal, hindi ito nawawalan ng mga nais bumili ng kaniyang mga produkto.

Gayunpaman, kaakibat ng pagkilalang kaniyang natanggap ang responsibilidad na isalin ang kaniyang mga kaalaman sa ibang miyembro ng kaniyang komunidad. Pumanaw si Salinta Monon sa edad na 91 noong ika-4 ng Hunyo taong 2009.

Basahin din: Uwang Ahadas
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...