Salad

Ang salad ay isang partikular na pagkaing panghimagas sa Pilipinas, mga pinaghalo-halong prutas at nilalagyan ng iba’t-ibang pampalasa tulad ng gatas.

Sa Pilipinas, ang salad ay kadalasang inihahanda tuwing may okasyon o pagtitipon lalong lalo na kung mayroong nagaganap na kasiyahan. Kadalasan itong nilalagay sa maliliit na puting baso o lalagyan na ibinibigay ng mga bisita.

Hindi rin natin maikakaila na ang mga Pilipino ay mahihilig sa matatamis na pagkain na kinagigiliwan ng mga Pinoy.

Maraming iba’t-ibang bersiyon ang paggawa ng salad, at hindi lamang puro prutas ang mga sahog nito. Mayroon ding tinatawag na Macaroni, Caesar, Fruit, Vegetable Salad, at madami pang iba.

Basahin: Menudo

Paano ito ginagawa?

Narito ang mga sangkap:

1 latafruit cocktail o mga prutas na pinagsama-sama
1 tasabuko
2 latagatas na kondensada
1 latacream
1 garaponkaong, at nata de coco

Proseso:

  1. Ibabad ang hiniwang saging sa sabaw ng fruit cocktail para hindi mangitim.
  2. Sa isang mangkok, paghalu-haluin ang lahat ng mga pinagsamang prutas, kaong, at nata de coco.
  3. Isama ang gatas at cream.
  4. Haluin ito ng mabuti.
  5. Kung nais ay dagdagan ng asukal para lalong tumamis.
  6. Pangwakas, palamigin muna bago ito ihain at maaari mo nang matikman kung gaano kasarap ang salad.

Basahin din: Pintados Festival
Pambansang Sagisag ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...