Rizal Park

Ang Liwasang Rizal o mas kilala sa ingles na Rizal Park ay isang makasaysayang lunsuring liwasan na nasa puso ng Lungsod ng Maynila sa Pilipinas.

Dati itong tinatawag na Bagumbayan noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka.

Matatagpuan ang parkeng ito sa Bulebar Roxas, katabi ng lumang napapaderang lungsod o mas kilala sa pangalang Intramuros.

Ito ay isa sa mga pinakamalaking liwasan sa Asya, pinupuntahan din ito ng mga Pilipino pati na rin ang mga turista upang maglibang. Isa rin ito sa mga pangunahing atraksyong panturista ng Maynila.

Sa pook na ito binaril ang ating Pambansang Bayani na si Jose Rizal noong ika-30 ng Disyembre taong 1896.

Ipinangalan sa kaniya ang liwasan upang bigyang kahalagahan ang kanyang pagkabayani sa ating bansa. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal o Rizal Park ang parke bilang parangal sa kaniya.

Nagsisilbi ring punto ng orihen o kilometro kupong patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal.

Bilang karagdagan, naganap dito ang Pahayag ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos noong ika-4 na araw ng Hulyo taong 1946 at naganap din ang mga demonstrasyong pulitikal nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Corazon Aquino noong 1986 na nagwakas sa Rebolusyong EDSA.

Basahin din: Pambansang Sagisag ng Pilipinas
Ang Maikling Kwento

ADVERTISEMENT
loading...