Madugo ang naganap noong 30 Disyembre 2000, naitaon ang pambobomba sa anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Wala sa ideya ng mga pasahero ng LRT patungo sa Monumento na mabibiktima sila ng mga walang kaluluwang terorista.

  • Pagbomba sa Araw ni Rizal

Pagbomba sa Araw ni Rizal

Pagbomba sa Araw ni Rizal: LRT (30 Disyembre 2000)
Photo from: Google

Sa isang iglap, ang mga pangarap ay nawarat. Ang nangyaring pag­bomba sa LRT ay isa sa limang sunud-sunod na pam­bobomba ang isinagawa ng mga terorista sa Metro Manila. Pinakamarami ang namatay sa LRT-Blumentritt Station. Isang seryeng tatlong mag kasunod na pagsabog sa limang lokasyon sa paligid nang Kalakhang Maynila sa loob nang isang oras, at nag-iiwan nang 22 patay at hindi bababa sa 120 ang iba pa.

Isang bomba ang sumabog sa Plaza Ferguson sa Malate, Manila, malapit sa embahada ng Estados Unidos. Ang ikalawang bomba ay napigilan sa isang gasolinahan sa Makati central business district. Ang target ay isang gasolinang istasyon sa EDSA, sa kalsada mula sa Dusit Hotel sa Makati. Dalawang pulis, mga miyembro nang lokal na pulutong nang bomba.

Ang isa pang peligrosong aparato ay ipinalabas sa loob nang isang bus ay naganap sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) habang ang bus ay nasa ruta sa Cubao area nang Quezon City. Isang pasahero ang namatay habang maraming iba pa ang mga nasugatan. Ang pagsabog na nag-claim nang pinakamaraming kaswalidad ay naganap sa isang taksi nang tren sa istasyon nang Blumentritt sa Metro Manila Light Rail Transit. Mahigit sa sampung pasahero ang namatay at maraming dosen ang nasugatan.

Mahigit 100 at ang karamihan ay mga bata. Tanghaling tapat nang sumabog ang train at nang mahawi ang usok, naghambalang ang mga patay, maraming dugo. Nakihalo ang dugo sa mga pinamili ng mga tao para ihanda sa kanilang pagseselebra ng Bagong Taon.

Ang pangyayaring iyon ay maaaring mangyari muli kung hindi magkakaroon nang mahusay na pagbabantay ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police. At kung mangyayari iyon, tiyak na mas marami ang mamamatay sapagkat mas powerful ang mga bombing ginagamit sa kasa­lukuyan.

Sinisiguro ng mga terorista na mas marami silang mapapatay na sibilyan. Kaligayahan nilang makakita ng mga sibilyang naliligo sa dugo. Walang ipinagkaiba sa suicide bomber na pumaslang kay dating Punong Ministro ng Pakistan na si Benazir Bhutto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here