Si Reyna Sima ay isa sa mga reynang namuno ng isang kaharian sa kapuluan. Tinawag siyang Reynang Matapat dahil sa kanyang katapatan, katalinuhan at maayos na pamamalakad sa kanyang mga nasasakupan.

  • Reynang Matapat

Reyna Sima

Reyna Sima
Photo from: Google

Noong mga panahon na ang ating bansa ay binubuo pa ng iba’t ibang tribo, isa sa mga nito ay si Reyna Sima. Siya ay matalino, matapang at may katangi-tanging kariktan. Nakilala siya hindi lamang sa mga katangiang nabanggit kundi pati narin sa katapatan niya sa kanyang mga nasasakupan.

Ang kahariang Kutang-Bato na kanyang pinamumunuan noon, ay ngayo’y tinatawag na nating Cotabato. Isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao. Sa pamumuno ni Reyna Sima, tahimik na umunlad at namuhay ng masagana ang mga taga Kutang-Bato.

Mahigpit niyang ipinasusunod ang mga batas. Ang sinumang lumabag sa mga tuntunin at ipinag -uutos ng Reyna ay ginagawaran ng parusa. Halimbawa, ang pagiging magalang, masipag at tapat.

Ayon sa isang kuwento, nakaiwan raw minsan ang isang mangangalakal na intsik ng isang supot ng ginto. Mahigpit na ipinagbabawal ni Reyna Sima ang paggalaw ng supot sa pinag-iwanang mesa, para sa pagbalik daw ng may-ari ay doon din niya ito makikita.

Makalipas ang ilang araw at inabot na ng buwan ay walang nag-aangkin sa supot na ginto sa mesa. Isang araw nakita ng Reyna na nagalaw ang ilang piraso ng ginto. Tinawag niya ang mga kawal at ipinagtanong ang tungkol dito. Wala namang maisagot ang mga kawal. Ang matandang ministro ang naglakas-loob na nagsabing ang anak pala ng reyna ang hindi sinasadya’y nakagalaw sa supot.

Ipinasundo kaagad ng reyna ang anak na nagkasala at pinag-sabihan ito. Ipinaliwanag niya ang kahalagahan ng katapatan sa anak. Dahil hindi naman pala sadya ang pagkakagalaw ng bata, ito’y hindi ginagawaran ng matinding parusa na gaya ng iginawad sa ibang nagkasala.

Nang maibalita ang pangyayaring ito sa ibang pook, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapanatili ng katapatan, lalong-lalo na sa mga naglilingkod at mga opisyal ng kaharian.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here