Rehiyon

Ang rehiyon ay isang pangheograpiko at pang-administratibong paghahati-hati ng mga kalupaan upang epektibong maorganisa at mapamahalaan ang mga lalawigan.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay binubuo ng 17 rehiyon; walo sa Luzon, tatlo naman sa Visayas, at anim sa Mindanao. Nakapaloob dito ang 79 na lalawigan.

Sinimulang ipaloob ang mga lalawigan ng bansa noong ika-24 ng Setyembre taong 1972 sa pamamagitan ng Presidential Decree No. 1 na nagsasaad na ang mga lalawigan ng bansa ay pinangkat sa 11 rehiyon bilang bahagi ng Integrated Reorganization Plan ng dating Pangulong si Ferdinand Marcos.

Narito ang mga Rehiyon ng Bansang Pilipinas:

Luzon

NCRKalakhang Maynila
Region IIlocos
Region IILambak ng Cagayan
Region IIIGitnang Luzon
Region IV-ACALABARZON
Region IV-BMIMAROPA
Region VBicol

Basahin: Labanan sa Pasong Tirad

Visayas

Region VIKanlurang Visayas
Region VIIGitnang Visayas
Region VIIISilangang Visayas
Region XVIIRehiyon ng Pulo ng Negros

Mindanao

Region IXTangway ng Zamboanga
Region XHilagang Mindanao
Region XIDavao
Region XIISOCCSKSARGEN
Region XIIICARAGA
BARMMBangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao

Mula noong 1975, nagkaroon na ng mga pagdaragdag at paglilipat-lipat ng mga lalawigan sa bawat rehiyon partikular na sa mga lalawigan ng Mindanao.

Idinagdag ang Gitnang Mindanao noong ika-19 ng Setyembre taong 2001 na tinatawag ngayong SOCCSKSARGEN.

Noong ika-23 ng Enero taong 1976 naman binuo ang NCR habang ang ARMM ay binuo noong ika-1 ng Agosto taong 1989.

Samantala, ang Timog Katagalugan ay hinati sa dalawa, ang Region IV-A at Region IV-B noong ika-17 ng Mayo taong 2002.

Basahin din: Alamat ng Pilipinas
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...