Rebolusyong EDSA ng 1986

Ang Rebolusyong EDSA ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula 22 Pebrero hanggang 25 Pebrero ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos.

  • Ang Rebolusyon sa EDSA ng 1986

Rebolusyong EDSA ng 1986

Laksa-laksang Pilipinong nakibaka sa Edsa noong 1986
Photo from: Wikipedia

Ayon sa kasaysayan, ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan ang kauna-unahang mapayapang demonstrasyon sa daigdig na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas. Ito’y nag-ugat sa nasabing rebolusyon nang paslangin si dating Senador na si Ninoy Aquino noong 1983 na nagresulta ng pagkagising sa pagnanais ng mga Pilipino upang maging malaya.

Ilang taon ang nakalipas, nagkaroon ng serye ang mga kilos-protesta na mga tao laban sa diktaturyang pinamumunuan ni Ferdinand Marcos. Tinatayang nasa mahigit 2 milyong katao ang nagmartsa at nakilahok, kabilang na ang mga sibilyan, mahirap man o mayaman, pulis, militar; at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin na Arsobispong Maynila nang mga panahong iyon.

Dahil dito, bumagsak ang pamahalaang diktatoryal ni Marcos, naibalik ang demokrasya at kalayaan sa taumbayan, at humalili si dating Pangulong Corazon Aquino sa posisyong nabakante. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.

Kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant, para humingi ng payo mula sa White House. Pinayuhan siya ni Laxalt ng “cut and cut cleanly”, na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas na paglisan kasama ang kanyang pamilya. Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase sa Zambales bandang ikasiyam ng gabi, bago tuluyang lumipad ng Hawaii.

Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinakaharap ng bansa. Ang ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni Corazon Aquino ay unti-unting bumalik ang demokratikong institusyon sa bansa.

Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng isang “Freedom Constitution” (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging saligang batas, hanggang sa natapos at naratipikahan na sa kamara ang Saligang Batas 1987 na siyang kasalukuyang saligang batas ng bansa. Sa bagong saligang batas ay hindi na maaring tumakbong muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng anim na taon para mamuno.