RAPUNZEL

Ang kwento ng Rapunzel ay nagsimula noong unang panahon may mag asawang gusto mag ka-anak, sa likod ng kanilang tahanan ay may matatanaw na isang magandang hardin na puno ng gulay at bulaklak, ngunit ito ay napapalibutan ng isang mataas na pader.

Wala pang sinuman ang nagtakang akyatin ito sapagkat ang hardin na ito ay pagmamay-ari ng isang mangkukulam.

Isang araw habang nakatanaw ang babae sa kanilang bintana ay may nakita itong magandang halaman, at ito pala ay mga halaman ng rampyun. napaka-sariwa at napakaberde nito.

Dito nag simula kung bakit hiniling ng babae sa kanyang asawa na gusto niyang makatikim nito, at ilang araw ang nagdaan napagtanto niya na malabo niya itong makuha, siya ay namutla at binalot ng kalungkutan.

Kaya ng makita siya ng kanyang asawa ay agad siyang tinanong nito.

Lalaki : ” Anong problema aking asawa ?”

Babae : ” tingin ko mamamatay na ko pag di ako nakakain ng Rampyun na iyon, na tumutubo sa likod ng bahay natin.”

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

At dahil sa mahal na mahal ng lalaki ang kanyang asawa, naisip niya na imbis mawala ang kanyang asawa mas pipiliin niyang subukang kumuha ng rampyun sa kahit anong paraan.

Kaya ng mismong araw din na iyon inantay ng lalaki magtakip silim at inakyat nito ang pader ng mangkukulam at kumuha ng mga rampyun, upang dalhin ito sa kanyang asawa

Laking tuwa ng asawa niya at agad itong gumawa ng salad at habang kinakain niya ito ay bakas sa kanyang mukha na ito’y maligaya, kaya mas lalo niya itong nagustuhan.

At dahil dun muli niyang pinakuha ang kanyang asawa ng rampyun sa kabila ng pader, kagaya nung una inantay ng lalaki mag takip silim bago akyatin ang pader, ngunit nung sinubukan na niyang umakyat ng pader ay saktong nakita siya ng mangkukulam.

Mangkukulam : ” Ang lakas ng loob mong akyatin ang pader ko at nakawin ang mga rampyun!, at dahil diyan ay mananagot ka.”

Lalaki : ” Ah! maawa po kayo sakin, nagawa ko lang naman po ito para sa aking asawa, sapagkat ikakamatay niya raw po ito pag di ako nakakuha ng rampyun.”

Mangkukulam : ” Oh sige! bibigyan kita ng pagkakataon kumuha ng kahit gaano karaming rampyun, ngunit sa isang kondisyon. “

Lalaki : ” At ano naman po iyon?”

Mangkukulam : ” Pag nanganak ang iyong asawa ay mapapasa-akin ito ay ituturing ko na parang aking tunay na anak.”

At dahil dun wala na itong magawa kundi sumang-ayon nalamang sa alok ng mangkukulam. at nung mismong araw na naisilang na ang kanilang anak ay dumating ang mangkukulam at binigyan niya ng ngalan ang sanggol na Rapunzel.

At nung mismong araw na iyon ay kinuha ito ng mangkukulam sa kanila. Si Rapunzel at pinakamagandang bata sa buong mundo, noong siya ay labing dalawang taong gulang pa lamang ay ikinulong siya ng mangkukulam sa isang mataas ng tore sa kalagitnaan ng gubat.

BASAHIN : Menudo | Panlasang Pinoy

Ang toreng ito ay walang hagdanan at pinto merong lamang itong isang maliit na bintana. At kapag nais umakyat ng Mangkukulam pataas ay sisigaw lamang ito ng.

Mangkukulam : ” Rapunzel, Rapunzel ibaba mo ang iyong buhok.”

Napakahaba ng buhok ni Rapunzel at kumikinang na parang ginto at kapag naririnig niya ang boses ng Mangkukulam ay agad nitong binababa ang kanyang buhok.

Ilang taon ang nakalipas may isang prinsipe ang napadaan sa kagubatan at may narinig siyang napakagandang tinig. Ang tinig na ito ay galing kay Rapunzel na kumakanta dahil nagpapalipas lamang ng oras.

Sinubukan ito akyatin ng Prinsipe ngunit hindi niya maakyat akyat ito, kaya naisipan nalang nito na umuwi at bumalik nalang sa ibang araw.

Araw-araw bumabalik ang Prinsipe para lamang marinig ulit ang tinig na ito, at isang araw habang siya ay nasa ilalim ng puno ay nakita niya ang mangkukulam, at narinig niya ang mga sinabi nito.

Mangkukulam : ” Rapunzel, Rapunzel ibaba mo ang iyong buhok.”

At laking gulat niya ng may makita siyang dahan dahang bumababang napakahabang buhok, kung saan ito ang ginamit ng mangkukulam upang makaakyat ng tore.

Dahil dun nasabi ng Prinsipe sa kanyang sarili na aakyatin niya ang tore na iyon.

Kinabukasan bumalik siya sa tore at sinubukan niyang gawin ang ginawa ng mangkukulam.

Prinsipe : ” Rapunzel, Rapunzel ibaba mo ang iyong buhok.”

Ibinaba nga ni Rapunzel ang kanyang buhok at agad naman inakyat ng prinsipe.

Laking gulat at takot ni Rapunzel dahil yun palang ang unang pagkakataon niya makakita ng ibang tao, ngunit pinuri si Rapunzel ng Prinsipe sa kanyang pagkanta at hindi ito mapakali hangga’t di niya nakikita kung sino ang kumakanta.

BASAHIN : Teorya ng Wika | Pinagmulan

Nawala ang takot ni Rapunzel sa pagkakataon na iyon, tinanong din si Rapunzel ng Prinsipe na maging asawa nito batid naman ni Rapunzel na ang Prinsipe na ito ay Bata pa at Matipuno.

Naiisp niya tuloy sa sarili niya siguradong mas gugustuhin ko siya kaysa Inang gotel. Kaya inabot niya ang kanyang kamay sa Prinsipe sabay sabi ng.

Rapunzel : ” Kusang loob ako sasama sayo nguni’t hindi ko alam kung paano ako makakaalis dito, kaya kung iyong mamarapatin kada dalaw mo magdala ka ng lubid na gawa sa sutla upang makagawa ako ng hagdanan, sa ganoong paraan pwede na ako makatakas.”

Nung araw din na iyong nag pasya sila na magkita palagi tuwing gabi, dahil tuwing umaga ay nagkikita si Rapunzel at ang Mangkukulam.

Walang ideya ang mangkukulam sa mga nangyayari nguni’t hindi sadyang nabanggit ni Rapunzel ito sa Mangkukulam.

Rapunzel : ” Inang gotel bakit napakabagal ng iyong pag akyat? at parating na ang prinsipe ng ilang saglit.”

Mangkukulam : ” Masamang bata, ano itong naririnig ko? akala ko naitago na kita sa buong mundo nguni’t pinagtaksilan mo ko?”

Sa galit ng Mangkukulam ay pinaghahampas nito si Rapunzel at kumuha ng gunting upang gupitin ang kanyang buhok.

Pagkatapos ay ipinatapon ng mangkukulam si Rapunzel sa isang malayong lugar. kung saan siya ay nag iisa lang kaya siya’y nalungkot at miserable, sa parehas na araw na iyon ay bumalik ang mangkukulam sa tore at umakyat gamit ang pinutol na buhok ni Rapunzel.

Pagdating ng Prinsipe sa Tore agad itong sumigaw.

Prinsipe : ” Rapunzel, Rapunzel ibaba mo ang iyong buhok.”

Binaba naman ng mangkukulam ang buhok na pinutol niya kay Rapunzel, pag akyat ng prinsipe ay laking gulat niya ng makita niya ang mangkukulam.

Mangkukulam : ” Ahaa! gusto mong makita ang iyong minamahal? ngunit wala siya dito at kahit kailanman ay hindi mo na siya makikita pang muli.

BASAHIN : Palaisipan | Kahulugan at mga Halimbawa

Sa gulat at takot ng prinsipe ay naisipan nito tumakas sa tore ngunit sa pagtalon nito sa tore ay nabulag ito sa kanyang pag bagsak, pagkatapos nun ay gumala ito sa kagubatan na halos walang makain at pagod na pagod habang binabalot ng lungkot sapagkat hindi na niya makikita si Rapunzel.

Ilang buwan ang nakalipas sa paglalakbay ng Prinsipe sa kagubatan ay napadpad siya sa isang disyerto kung saan nakita siya ni Rapunzel.

Nguni’t dahil bulag na nga ang prinsipe ay hindi siya makita nito, kaya tinawag nalang ito ni Rapunzel at laking gulat ng prinsipe ng marinig niya ang pamilyar na boses.

Nung sinubukan nang lumapit ni Rapunzel, nakita niyang bumagsak ang prinsipe dala ng pagod at gutom at napansin niyang bulag na ito. kaya naluha si Rapunzel at nung hinawakan niya ang mukha ng Prinsipe, gumaling ang mga mata nito.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay bumalik na sila sa palasyo at pinakasalan ng Prinsipe si Rapunzel at nabuhay sila ng masaya.

Naghahanap ka pa ba ng ibang Maikling kwento katulad ng Rapunzel Maaring pindutin lamang ang link na ito ( mgabayani.ph )

ADVERTISEMENT
loading...