Quezon Memorial Circle

Ang Quezon Memorial Circle ay isang pambansang dambana at pambansang liwasan sa Diliman, Lungsod ng Quezon. Isa itong tanyag na palatandaan ng Metro Manila.

Tampok din sa mga mamamayan ang pasyalan ng lungsod na ito at dinarayo rin ng mga banyaga.

Nakalagay sa monumento at mausoleo nito ang mga labi ni dating Pangulong Manuel L. Quezon at kabiyak nitong si Aurora Quezon.

Ang Quezon Memorial Circle ay matatagpuan sa isang malawak na rotonda na may hugis elipse at iniikutan ng Elliptical Road. Unang inilaan ang pook para sa Pambansang Kapitolyo, na bahagi naman ng Pambansang Sentro ng Pamahalaan.

Ngunit, hinadlangan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang planong ito. Sa halip, isang memoryal ang itinayo ng pamahalaan ni dating Pangulong Sergio OsmeƱa upang bigyang karangalan si Quezon.

Basahin: Rizal Park

Kinilala ang monumentong ito na may tatlong matatayog na pylon na gawa sa marmol na Carrara na nagmula sa Italia, para sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sumusukat ito ng taas 66 metro, na hinango sa edad ni Quezon nang siya ay pumanaw. Sa tuktok ng bawat paylon na ito, nakaluklok ang isang nagluluksang anghel na may hawak na sampaguita at nililok ng Italianong eskultor na si Mon-ti.

Sinimulan ang pagpapatayo ng dambanang ito noong dekada singkuwenta at natapos noong 1978, ang sentenyal ng kapanganakan ni Quezon. Kasabay nito ay idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang isang Pambansang Dambana ang monumento.

Sa kasalukuyan, matatagpuan sa loob ng monumento ang dalawang maliliit na museo para sa mga gamit ni Quezon at mga bagay-bagay tungkol sa lungsod na ipinangalan sa kaniya.

Basahin din: Liwasang Bonifacio
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...