Puto

Ang Puto ay isa sa pinakakilalang gawang mamon ng pilipinas, ito ay madalas na makikita natin sa mga Birthday, Binyagan at kahit pa sa kasal sapagkat masarap nga naman ito, pwede rin ito ipares sa Dinuguan bilang sawsawan nito.

BASAHIN : Suman | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Puto ay sikat na mamon na gawang Pinoy, ngunit alam nyo ba na ang pangalan nitong Puto ay kinuha sa salitang Espanyol kung saan ang ibig sabihin ay ” TUYO “.

Noong unang panahon may isang bersyon lang ito, ngunit ngayon may iba’t ibang klase na ng bersyon nito kung saan may puto na punong puno ng cheese na Puto ng Biñan at Puto Calasiao na galing pa sa pampanga. at ang isa sa kilala natin na Puto Bumbong.

BASAHIN : Bibingka | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Puto

2Tasa ng All porpuse na Harina ( Sinala sa Stariner )
2Kutsara ng Baking Powder ( Sinala sa Strainer )
2Itlog
3Patak ng Vanilla Flavor
1Tasa ng Asukal
7Kutsara ng Butter
1Tasa ng Tubig
3⁄4 Tasa ng Evaporated Milk
Keso ( Eden cheese kung maari )

BASAHIN : Puto Bumbong | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Puto

Una : Kumuha ng isang maliit na bowl, tunawin ang butter sa microwave sa loob ng 30 – 40 na segundo, kung wala naman kayong microwave pwede kayo gumamit ng kawale.

Pangalawa : Pagkatapos isalin sa isang malaking bowl, at ihalo ang ang 2 itlog at kalahating tasa ng Asukal. Mas maganda gumamit ka ng whisk para pantay at pagkatapos haluan na ng isang lata ng Evaporated Milk.

Pangatlo : Idagdag at ihalo na ang 2 tasa ng all purpose na harina, sabay kutsarita ng baking powder, haluin mabuti at dagdagan ng vanilla flavor at unti-unting dagdagan ng tubig.

PangApat : Pag medyo malapot na, dahan dahan na idagdag ang butter sa puto moldings at huwang niyo ito pupunuin upang hindi ito umalsa. pagkatapos ay lagyan ito ng Keso sa ibabaw. Pag okay na ihanda na ang pasingawan at lagyan ng tubig

PangLima : antayin muna ito kumulo bago ilagay ang puto, dapat nakasalansan ito mabuti. Painitan ito ng mga 15 minuto sa mahinang apoy at iwasan silip silipin, pagkatapos ng 15 minuto subukan ng tusukin ito ng toothpick at kapag walang dumikit sa gilid ng toothpick ibig sabiihn pwede na ito ihain.

PangApat : Hiwain sa sukat na gusto mo at pagulungin sa binudbod na sweet rice flour hanggang sa maging hugis parihabang-bilog. Tapos pwede na ihain.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...