Puto Bumbong

Ang Puto Bumbong ay kilalang pagkain pinoy na naging tradisyon, at halos parte na rin ito ng Pasko tuwing Disyembre, ang putaheng ito ay kakaning gawa sa malagkit na bigas at ito’y kulay ubi o lila.

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Noon pa man paborito na ng karamihan sa ating mga pinoy ang Puto Bumbong, karaniwan itong inihahain tuwing buwan ng Disyembre, pero alam ninyo ba na ang pangalan ng Puto Bumbong ay nang galing sa salitang Tagalog dahil ang ibig sabihin ng Bumbong o bongbong ay Kawayan, Kung saan niluluto ang Puto na ito.

BASAHIN : Menudo | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Puto Bumbong

1Kilo malagkit na bigas
125Gramo ng Ordinaryong Bigas
1⁄2 Kulay ubi na Pangkulay ng pagkain
Kinudkod na Niyog ( Depende sa gusto )
Mantikilya ( Depende sa Laki )
Asukal ( Depende sa Laki )
Tubig ( Depende sa Laki )
Asin ( Depende sa Laki )

BASAHIN : Pininyahang Manok | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Puto Bumbong

Una : Hugasan ang malagkit at ordinaryong bigas at ibabad sa tubig na may asin, gayun din ang kulay ubi na pangkulay sa pagkain ng 3-4 na oras. Patuyuin ito sa bilao ng buong magdamag, pagkatapos ay lamutakin para maghiwalay.

Pangalawa : Pinapasingawan ito gamit ang lansungan, o lutuang pasingawan o pakuluan na nakapatong sa isang bandihadong puno ng kumukulong tubig. Ito ay may dalawang maliit na tubong kawayan sa ibabaw kung saan ipinapasok ang mga sangkap

Pangatlo : Kapag lumalabas na usok mula sa bumbong, tanda na ito na luto na ito. Para madaling matanggal ang puto, ihanda ang pasingawan at lagyan ng kaunting mantikilya ang lalagyan ng bumbong.

PangApat : Pagkatapos maluto ay ibinabalot sa sariwang dahon ng saging, pinapahiran ng matikilya at nilalagyan ng kinudkod na niyog at asukal sa ibabaw bago ito ihain.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...