Propesor Ferdinand Blumentritt

0
63
Propersor Ferdinand Blumentritt

Si Ferdinand Blumentritt ay isang propesor sa Ateneo ng Leitmeritz, Austria na interisado sa pag-aaral ng mga diyalekta ng Pilipinas.

Pinagmulan ng larawan: Google

Ipinanganak si Ferdinand noong 10 Setyembre 1853 sa Praha, Tsekya sa isang pamilya ng mga Alemang Sudeten at ang isa sa mga pinakanangungunang dalubhasa sa Pilipinas noong kaniyang panahon bagaman hindi niya nagawang bisitahin ang kapuluan. at isang Europeo na etnologo at heograpo.

Isa rin siyang matalik na kaibigan ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal.

Nakikilála ng mga mag-aaral ngayon si Ferdinánd Bluméntritt bilang kaibigang matalik at tagapayo ni Jose Rizal. Ngunit isa siyáng iginagálang na Alemang iskolar, at kinaibigan ni Rizal dahil eksperto ito sa etnograpiyang Filipino. Marami siyáng nai- sulat hinggil sa Filipinas bagaman hindi kailanman natuntong ng bansa.

Minsan lámang siláng nagkatagpo ni Rizal ngunit mata- lik ang naging pagsasáma nilá sa pamamagitan ng liham. Isinalin ni Blumentritt sa Aleman ang Noli Me Tangere at binigyan ng introduksiyon ang El Filibusterismo, bagaman pinayuhan niya si Rizal laban sa paglalathala ng ikalawang nobela. Sumulat din siyá ng introduksiyon sa Sucesos de las islas Filipinas ni Antonio Morga nang muli itong ipalathala nang may anotasyon ni Rizal.

Una siyang sumulat kay Blumentritt noong Hulyo 31, 1886. Kasama sa ipinadala niyang sulat ang librong Aritmetika na nakasulat sa wikang Espanyol at Tagalog. Ito ay isinulat ni Rufino Baltazar Hernandez.

Ipinadala niya ang librong ito kay Blumentritt upang magamit niya bilang batayan sa pag-aaral ng wikang Tagalog.

Basahin: Barayti ng Wika

Noong Mayo 1887, binisita nina Rizal kasama si Maximo Viola ang kanilang kaibigang propesor at sila ay inasikaso ng pamilya ni Blumentritt. Ito ang una at huling beses na pagkikita sa personal ng dalawa. Nagpatuloy silang magpalitan ng sulat hanggang sa mamatay si Rizal.

Ang huling sulat ni Rizal kay Blumentritt ay naitala noong Disyembre 29, 1896, bisperas ng kanyang kamatayan at sinulat niya ito sa Fort Santiago. Nalungkot ng husto si Blumentritt nang matanggap niya ang sulat ni Rizal at nang malaman niyang namatay na ang kanyang kaibigan.

Basahin din: Balarila
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...