Pitsi-Pitsi

Sa mga gilid ng simbahan ay talamak ang mga nagbebenta ng mga kakanin, katulad ng Puto Bumbong, Puto, Bibingka at kutsinta. Dito ay makikita din natin ang Pitsi Pitsi na kilalang kakanin na kinudkuran ng niyog at sa pagiging malagkit nito at sarap.

BASAHIN : Sinampalokang Manok | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Noon pa man ang Pitsi Pitsi ay parte na ng tradisyon sa Pilipinas kung saan isa ito sa paboritong kakanin. ngunit hindi lang yan kadalasan din itong kasama sa mga meryenda o handa sa mga okasyon, dahil ang kakanin na ito ay napakasarap at napakadaling gawin. At alam nyo ba na hindi lang yan, mura rin ito.

BASAHIN : Lumpiang Shanghai | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Pitsi Pitsi

2Tasa ng kinudkud na Kamoteng Kahoy
1Tasa ng Asukal
2Tasa ng Tubig
1Tasa ng Kinudkod na Niyog
1⁄2 Kutsarita Lye water ( Lihiya,Lihia )
1⁄2 Kutsarita ng Buko-pandan

BASAHIN : Pininyahang Manok | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Pitsi Pitsi

Una : Sa isang mangkok, pagsamahin ang kamonteng kahoy, asukal at tubig at haluin mabuti, pagkatapos idagdag ang Lye o Lihia at haluin patuloy pa rin itong haluin.

Pangalawa : pagkatapos ng ilang minuto isunod na ang Buko-pandan bilang dagdag amoy at ihalo ulit, pag napansin na nahalo na itong mabuti maari na itong isalin sa mga nakahulma na tasa ay pwede na itong ilagay sa Steamer.

Pangatlo : Painitan ito hanggang sa 45 na minuto o higit pa, depende sa magiging kulay nito. pagkatapos naman nito maluto ay hayaan muna itong lumamig sa loob ng 45minuto o 1 oras, pwede mo rin ito ilagay sa inyong ref. at hayaan lang sa loob ng 15 minuto’s o hanggang isang oras at pagkatapos ay pwede na tanggalin sa hulmahan.

Pang-Apat : Pagulungin bawat piraso nito sa kinudkod na niyog at pagkatapos nun ay pwede na itong ihain at kainin.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...