Pintados Festival

Ang Pintados Festival o Pista ng Pintados-Kasadyaan ay isang masayang pagdiriwang na tumatagal ng isang buwan na ginaganap sa lungsod ng Leyte.

Kasaysayan

Ang pagdiriwang na ito ay sinasabing nagmula sa Pista ni Señor Santo Niño na ginaganap tuwing ika-29 ng Hunyo.

Ang mga taga-Leyte ay ipinagdiriwang ang nasabing pista sa isang bukod-tangi at makulay na pamamaraan. Bihasa ang mga Bisaya sa pagtatato, ang mga lalaki’t babae ay mahilig magtato sa kanilang mga sarili.

Ipinapakita ng Pintados Festival ang mayamang kultura ng Leyte at Samar sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga katutubong sayaw at musika.

Basahin: Ati-atihan Festival

Sinimulan ni dating Gobernador Remedios Loreto-Petilla ang unang pagdiriwang ng kapistahan noong ika-12 araw ng Mayo, 1996. Taong 1999 lamang ito naging opisyal na kapistahan at itinakda sa araw ng Hunyo 29, ang Pista ni Señor Santo Niño de Leyte.

Ang kahulugan ng Kasadyaan sa dayalektong Bisaya ay katuwaan at kasiyahan. Maraming pista ng munisipalidad ng Leyte ang nagasasama-sama sa kabisera upang maki-isa sa selebrasyon.

Masisiglang parada ng mga drama at sayaw ang nagaganap. Isang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga pistang ito upang mas mahikayat ang bawat mamamayan ng Leyte na ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang kultura.

Bawat munisipalidad ay gumagawa ng kanilang istorya na ibabahagi sa pista patungkol sa kanilang lokal na mga kuwento at alamat.

Basahin din: Pahiyas Festival
Kasaysayan ng Pilipinas

ADVERTISEMENT
loading...