PINOY JOKES

Pinoy jokes para sainyo mga kababayan sana’y magdala ito ng ngiti sa inyong mga labi.

Mga halimbawa ng Pinoy Jokes.

PINOY JOKE #1

JUAN: Pedro alam mo ba nakuha akong model
PEDRO: ayos yan pre, saan naman ?
JUAN: Model ng sabon pre
PEDRO: oh! bakit sa sabon?
JUAN: ako kasi yung gaganap na germs

PINOY JOKE #2

Empleyado: Boss pwede ba ako nalang ang papalit dun sa pwesto ng manager natin na kamamatay lang?
Boss:
 Ok lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya, ewan ko lang kung papayag ang punerarya.

PINOY JOKE #3

( May class activity sa school )
Titser: Class imaginine niyo na kayo ay Milyunaryo, isulat niyo sa papel ang inyong mga activities or planong gawin.
Lahat ng Studyante: Yes Ma’am…
Titser: Juan bakit hindi ka pa nagsusulat?
Juan: Ma’am inaantay ko pa po ang secretary ko.

PINOY JOKE #4

( Juan nasa karinderya )
Tindera : Kakaen po ba kayo sir ?
Juan: ahm! ano po ba pwede ko pagpilian?
Tindera : Oo o hindi lang sir

PINOY JOKE #5

TEACHER : Juan bakit yung tula na gawa mong My Dog kapareho ng tula na gawa ng kuya mo ? Kinopya mo ba to sakanya?
JUAN: hindi po ah
TEACHER: Eh bakit pareho?
JUAN: iisang aso eh

Kung naghahanap ka ng tungkol sa Kasaysayan ng Wika nito maaring pindutin lamang ang link na ito ( Wika at kasaysayan )

PINOY JOKE #6

( Nag usap ang dalawang magkababata )
JUNJUN: Alam mo pedro di ko talaga alam kung bakit satin magbabarkada ikaw lang pandak
PEDRO: tanga ka pala eh alam mo naman na bata palang tayo ulila na ko wala akong magulang
JUNJUN: oh ano naman connect nun ?
PEDRO: edi walang nagpalaki sakin

PINOY JOKE #7

( Sa isang hotel may biglang tumawag sa receiptionist para humingi ng tulong )
MISIS: Hello sa reception po ba to ? pwede po ba ko humingi ng tulong kailangan po namin ng maintenance dito kasi yung asawa ko gustong tumalon sa bintana
RECEPTIONIST: meron po, papuntahin ko na po yung mga staff dyan para matulungan kayo
MISIS: yung maintenance papuntahin mo wag staff
RECEPTIONIST: eh bakit naman po maintenance ?
MISIS: Hindi mabuksan yung bintana dito eh. kanina pa sana nakatalon to

PINOY JOKE #8

( Sa isang crime scene may isang bangkay na nakahandusay sa sahig )
REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo??
POLICE: DNA na…
REPORTER: sir, ano po yung DNA ???
POLICE : “Di Namin Alam ”

PINOY JOKE #9

PEDRO: alam mo Juan yung pusa namin yung pinakamabait na pusa na ata sa lahat
JUAN: bakit naman pedro ?
PEDRO: kasi kahit anong iwan namin sa ulam namin na walang takip di nya pinapakeelaman
JUAN: aba mabait nga, ano ba ulam nyo?
PEDRO: Asin lang naman

PINOY JOKE #10

Ang taong natutulog ng makati ang pwet
magigising ng mabaho ang kamay

Kung tapos kana magbasa ng Pinoy Jokes at naghahanap ka ng tungkol sa Kasaysayan at bahagi ng wika maari mong pindutin ang link na ito ( Wika | Kasaysayan at bahagi )

PINOY JOKE #11

ANAK : Nay alam mo ba kung ano yung pinakamatandang isda?
NANAY : Hindi nak eh, bakit ano ba ?
ANAK : Edi Century Tuna

PINOY JOKE #12

TEACHER: Anong lugar ang may butas ?
ALL STUDENTS: Navotas po!
JUAN: anong lugar Ma’am ang di mo makikita?
TEACHER: Oh sige ano ?
JUAN: Edi yung na TACLOBAN

PINOY JOKE #13

TONYO : Ma’am pagdumating ba yung pagkakataon na may kasalanan akong hindi ko ginawa magagalit po ba kayo sakin ?
TEACHER: aba syempre hindi. hindi mo naman ginawa eh! bakit naman kita papagalitan
TONYO: okay po Ma’am maraming salamat po di ko po kasi nagawa assignment ko eh hehe

PINOY JOKE #14

JUAN: Pedro pano pag nakita mong nakasakay yung nanay at tatay mo sa submarine tapos dahan dahan ng lumulubog sa dagat sino ililigtas mo ?
PEDRO: kahit di ako marunong lumangoy pareho silang ililigtas ko syempre
JUAN: engot ka talaga! wala ka naman kailangan iligtas lumulubog naman talaga yung submarine

PINOY JOKE #15

PEDRO: Anong isda ang walang buhay pero lumulutang ?
JUAN: Edi Fishball

Kung naghahanap ka ng tungkol sa Pinagmulan ng Teorya ng Wika maaring pindutin ang link na ito ( Teorya ng Wika | Pinagmulan )

PINOY JOKE #16

PEDRO : Juan sa tingin mo anong sinasabi ng isda pag mamamatay na ?
JUAN: Di ko alam eh ano nga ba ?
PEDRO : Edi Im Da-ing

PINOY JOKE #17

DRIVER : Yung mga panget jan, pwede na bumaba, May checkpoint ng mga panget sa harap kaya pakiusap nalang magkusa na
PASAHERO : Edi sino po magda-drive ngayon ?

PINOY JOKE #18

ANAK: Itay, pinagalitan ako ng titser ko po!
TATAY: Bakit naman anak?
ANAK: Hinalikan ko po kasi yung seatmate ko
TATAY: tong anak ko, manang mana sakin hehe, masarap naman ba ?
ANAK: Opo tay ang pogi eh

PINOY JOKE #19

ALE : Juan saan ang nanay mo?
Juan : Bakit nyo po siya hinahanap tungkol po ba saan?
ALE : tungkol sa utang lang naman
JUAN : wala po sya umalis eh
ALE : ay umalis ba ? babayaran ko sana sya eh
JUAN : ay kakabalik lang po pala ni nanay

PINOY JOKE #20

TOM: Mark may nakalimutan ako
MARK: ano naman yun TOM ?
TOM: tinanong mo pa ko ? nakalimutan ko nga eh

Kung bitin ka naman sa mga Pinoy Jokes na ito maaring pindutin mo nalang yung link na ito : ( Tagalog Jokes )

ADVERTISEMENT
loading...