Pininyahang Manok

Patok na putahe sa mga kabataan o mapatamatanda man ang pininyahang manok, kasi sino ba naman ang aayaw sa lutong ulam na ito sapagkat ito’y matamis at ito ay maaari pang haluan ng gata o gatas na evaporada.

kaya kung ika’y nagsasawa na sa Adobong manok, o Tinola ay subukan mo na ito at hindi paniguradong hindi ka magsisisi.

BASAHIN : Taho | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Nagsimula ang Pininyahang manok sa katimugang parte ng pilipinas, kung saang minsang naging sentro ng taniman ng pinya. Niluluto ang pininyahang manok sa pagbabad muna ng manok sa mga pinya bago isalang sa kawali at haluan ng mga sangkap.

Ang Pininyahang Manok ay katulad ng Afritadang manok, sapagkat pareho itong sinasahugan ng pinya kaya panigurado pareho itong matamis. ngunit ang pinagkaiba nila ay ang Pininyahan ay ginagamitan ng gata o kaya gatas samantalang ang afritadang manok naman ay sarsa ng kamatis.

BASAHIN : Mechado | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Pininyahang Manok

3Kutsara ng Mantika
1Kilo ng manok ( Hita o legs )
3Katamtaman na patatas ( Balatan at hiwain ng parisukat )
13 Tasa ng toyo
14 Tasa ng Suka
1.2Grams ng nakalatang Pineapple chunks ( itabi lang ang syrup )
1⁄2 Paminta ( Medyo durog )
2Dahon ng paminta
1Tasa ng tubig ( Pwedeng dagdagan depende sa timpla )
1.4Liters ng nasa latang Gata ( Mas okay kung gata mismo )
1⁄2 Green peas

BASAHIN : Tinola | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Pininyahang Manok

Una : Sa isang malaking kaldero, initin ang mantika. Iprito ang mga manok hanggang maging brown ang mga balat. Ipirito din ang mga patatas hanggang magkakulay. 

Pangalawa : Pag na prito na ang mga manok at patatas, ibalik ang mga ito sa kaldero. Ibuhos at ipagsama ang toyo, suka, pinya, paminta, at bay leaves sa kaldero. Ibuhos ang tubig hangga’t matabunan ang manok at pata. Dagdagan kung kailangan pa ng tubig. Ilagay ang takip ng kaldero at pukuluin. 

Pangatlo : Pakuluin hanggang maluto ang mga manok at patatas, mga 20 minuto. Tanggalin ang takip at ibuhos ang gata. Haluin at pakuluin hanggang maging mamantika ang gata.

Pangapat : Ilagay ang mga green peas at pakuluin muli hanggang maging mainit ang mga ito. Ihain kasama ang mainit na kanin. 

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...