Pilipinong Pintor | Juan Luna

Tinaguriang ang Pilipinong Pintor si Juan Luna dahil sa kanyang husay sa pagpinta. Ang nagpinta ng pamosong larawan na Spoliarium. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada.

  • Ang Pilipinong Pintor

Juan Luna

Juan Luna
Photo from: Wikipedia

Si Juan Luna y Novicio ay ipinanganak noong 23 Oktubre 1857 sa Badoc, Ilocos. Siya ay isang Pilipinong Pintor at Bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang Spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa Colosseum sa Roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya.

Nag-aral si Luna sa Ateneo de Manila, Nang makatapos nag-aral ulit sa Escuela Nautica. Naging manlalakbay-dagat siya. Sa pamamagitan nito, nakita niya ang magagandang tanawin sa Hongkong, Amoy, Singapore, Batavia, at Colombo. Kapag nasa Maynila siya nagpapaturo pa rin siya kay Lorenzo Guerrero ng pagpipinta. Pumasok siya sa Academia de Dibujo Y Pintura sa Maynila ngunit ipinaalis, marahil dahil ang kanyang estilo ay hindi umaayon sa kagustuhan ng kanyang maestro. Noong 1877, sa rekomendasyon ni Guerrero, pinaaral siya ng kanyang magulang sa Escuela de Bella Artes sa Madrid. Subalit, hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagturo rito. Noong nakilala niya ang pintor na si Don Alejo Vera, umalis siya sa eskwela upang maging aprentis niya.

Taong 1881, nanalo siya ng gintong pilak para sa kanyang dibuhong La Muerta de Cleopatra sa pandaigdigang kumpetisyon na ang Exposición Nacional de Bellas Artes sa Madrid. Dahil dito naging pensionado siya ng Ayuntamiento ng Maynila sa kondisyon na gumawa siya ng larawan para sa kanila. Ilang taon ang lumipas bago niya natapos ang El Pacto de Sangre. Noong 1884, ang kanyang Spoliarium ay nagwagi ng isa sa tatlong gintong medalya sa Exposición Nacional de Bellas Artes para sa taong iyon. Ang kanyang dalawang lahok sa Exposicion ng 1887, La Batalla de Lepanto at Rendicion de Granada at nagwagi rin.

Spoliarium
Photo from: Google

Noong 1885, lumipat siya sa Paris at nagbukas ng studio roon. Noong 1886, pinakasalan niya si Maria Paz Pardo de Tavera, ang kapatid ng kanyang mga kaibigang sina Felix at Trinidad Pardo de Tavera. Nagkaroon sila ng dalawang anak nila subalit namatay ang isa habang sanggol pa lamang. Pagkalipas ng ilang taon, suspetsa ni Luna na may kalaguyo ang asawa niya. Noong 1892, pinatay niya ang kanyang asawa, kasama ng kanyang ina, dahil sa kanyang pagselos. Idinetermina ng korte na ito ay ginawa niya habang samantalang baliw at sa gayon siya ay mapawalang sala. Bumalik si Luna sa Madrid kasama ang nag-iisa niyang anak, si Andres.

Bumalik siya sa Pilipinas noong 1891 at dinakip siya kasama ang kanyang kapatid na si Antonio Luna noong 1896 at ikinulong sa Fort Santiago dahil sila ay sinususpetsahang taga-oraganisa ng rebolusyon ng mga Katipunero. Pinalaya siya noong 27 Mayo 1897, agad na bumalik sa Europa. Sa pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, isa siya sa piniling maging bahagi ng delegasyon para sa negosasyon sa pagkilala ng Paris at Amerika sa bagong republika.

Nang pauwi na siya sa Pilipinas, tumigil siya sa Hong Kong, kung saan inatake siya sa puso at namatay. Pagkalipas ng ilang taon, ang kanyang huling obrang Peuple et Rois na nakumpleto niya noong 1889 ay ikinunsiderang pinakamahusay na lahok sa Universal Exposition sa Saint Louis sa Amerika.