Pilipinong Manggagamot Pio Valenzuela

Si Pio Valenzuela ay isang Pilipinong Manggagamot at isang napaka importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga kolonyistang Espanyol.

  • Ang Pilipinong Manggagamot

Pio Valenzuela

Larawan ni Pio Valenzuela
Pio Valenzuela
Photo from: Wikipedia

Isinilang si Pio Valenzuela noong 11 Hulyo 1869 sa Polo, Bulacan na ngayon ay tinatawag na nating Valenzuela City. Siya ay isang doktor, at bayaning Pilipino na isa sa mga pinuno ng Katipunan na lumaban sa mga Kastila noong Panahon ng Himagsikan.

Sinulat niya nag kanyang mga alaala ng Himagsikan noong dekada 1920, ngunit may mga dalubhasa sa kasaysayan ang naging maingat sa kanyang awtobiograpiya dahil may iilang hindi tugma sa kanyang bersiyon ng mga pangyayari, partikular sa pagpulong niya kay Jose Rizal sa Dapitan taong 1896.

Basahin: Nasyonalismo

Si Valenzuela ay nag-aral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas nang siya ay sumali sa bagong tatag na Katipunan. Gayunpaman, nagbigay babala si Rizal laban sa pagpapalit ng pamahalaan kung saan hindi handa ang mga tao. Sinabi ni Rizal na kinakailangan ang edukasyon, at sa kanyang opinyong pangkalahatang paliwanag ang tanging daan upang umunlad ito.

Si Valenzuela rin ang tumulong kay Emilio Jacinto sa pagtatag ng “Kalayaan“, ang pahayagan ng Katipunan, gamit ang mga ninakaw na makinilya mula sa Diario de Manila.

Di nagtagal, tinanggap ni Valenzuela ang amnestiya na inaalok ng kolonyal na gobyerno ng Espanyol. Sumuko siya noong 1 Setyembre 1896 at pagkatapos ay dineport siya sa Espanya at nabilanggo sa Madrid. Siya ay nakulong sa loob ng dalawang taon, sa ilalim ng mga Amerikano. Pagkalipas ng ilang taon, siya ay naglingkod bilang unang Alkalde ng munisipalidad ng Valenzuela (dating Polo sa Bulacan) mula 1899 hanggang 1900 bago siya naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan.

Di naglaon, namatay siya sa edad na 86 noong 6 Abril 1956. Taong 1963, pinalitan ang pangalan ng bayan ng Polo at tinawag na Valenzuela bilang parangal kay Dr. Pio Valenzuela. Ang munisipalidad ay naging isang lungson noong 1998.

Basahin din: Digmaang Pilipino-Amerikano
Mga Bayaning Pilipino

ADVERTISEMENT
loading...