papaitan

Ang kakaibang putahe na ito ay sikat na pulutan lalo na sa mga nakakatanda. ang kadalasan na pangunahing sahog na ginagamit sa papaitan ang lamang loob ng kambing.

BASAHIN : Mechado | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang papaitan ay isang uri ng mapait na luting pinoy na may sabaw at sinahugan ng mga pait o bituka ng baboy, baka, o ang pangunahing sangkap nito na kambing.

Pwede mo ding gamitin ang tuwalya at karne ng baka bilang pamalit sa lamang-loob ng kambing! Ito ay magbibigay sayo ng oportunidad na matikman ang putaheng ito at maging kakaibang karanasan pagdating sa mga lasa.

BASAHIN : Menudo | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Papaitan

1⁄2kilo ng lamang loob ng baka
1⁄4kilo ng laman ng baka ( Hiniwa ng manipis )
1⁄4Tasa ng apdo ng baka
1Buong bawang ( Tadtarin mabuti )
1Katamtamang laki ng pulang Sibuyas ( Hiniwa ng pino )
1Maliit na luya ( hiwain ng maliit )
2Siling labuyo
1Kutsarita ng Asin
1⁄2Kutsarita ng paminta
1Kutsara ng Patis

BASAHIN : Bulalo | Panlasang Pinoy

Proseso ng pagluluto ng Papaitan

Una : Hugasan at masahin ang tuwalya gamit ang sea salt para mawala ang masangsang na amoy. pagkatapos pakuluan ang tuwalya sa malaking kaldero hanggang sa lumambot, tapos alisin sa tubig at hiwain nang kwadrado na may sukat na ½ pulgada. Itabi.

Pangalawa : Igisa ang luya, bawang at sibuyas hanggang sa maluto at idagdag ang tuwalya. Lagyan ng asin at paminta, ayon sa panlasa. Pagtapos ay igisa pa ng ilang minuto tapos dagdagan ng tubig, sapat lamang para matakpan lahat ng sangkap.

Pangatlo : Pakuluan at idagdag ang baka hanggang sa maluto. Ilaglag ang siling labuyo at siling haba at unti-unting ibuhos ang apdo para hindi masobrahan sa pait ang putahe. At timplahan ng patis, ayon sa panglasa.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...