Pansit Palabok

Isa ang Pansit palabok sa nakakatakam na lutong pansit na meron tayo sa pilipinas. kung saan ginagamitan ng shrimped sauce. may mga toppings pa ang mga to na boiled pork, dinurog na chicharon at tinapa flakes, na paniguradong magtatangal gutom pag nakain mo.

BASAHIN : Pininyahang Manok | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Alam nyo ba na ang Pansit Palabok o kilala din na Pansit Luglug na ang ibig sabihin ay Pansit na sinawsaw. Ang Palabok ay isang lutuing Pilipino na may pansit at sarsang mapula at malapot sa ibabaw nito.

Ang unang pangalan ng uri ng Pilipinong pansit na ito ay ayon sa salitang palabok na nangangahulugang mabulaklak, samantalang ang pangalawang katawagan ay mula sa salitang luglug na ang ibig sabihin ay hinugasan o binanlian ng tubig.

BASAHIN : Sinampalokang Manok | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Pansit Palabok

Sangkap ng Pasta

8Baso ng Tubig
1Tasa ng Toge
1Kilo ng Noodles

Sarsa

2Kutsara Mantika
2Kutsara Atsuete
2Katas ng Hipon
6Kutsara ng arina
1⁄2 Tasa ng Tubig
1Kutsaritang Asin
1Kutsaritang Paminta

Pang-toppings

1Tasa ng nilagang karne ng baboy ( Hiniwang pahaba )
2Piraso Tokwa ( Prinito at hiniwang parisukat )
1⁄2 Tasa hinimay na Tinapa
1⁄2 Tasa na dinurog na Chicharon
2Itlog ( Nilagang itlog at hiwain ng manipis )
1⁄2 Tasa Hipon ( Nilaga at binalatan )
1⁄2 Tasa ng tinadtad na sibuyas
1Kutsara prinitong bawang
8Kalamansi

BASAHIN : Paksiw | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Pansit Palabok

Una : Mapakulo ng tubig sa kaserola tapos ilagay ang toge sa salaan at ipatong ang bihon. Ilubog sa kumukulong tubig at hayaang lumambot sabay Patuluin pagkaluto. tapos isalin sa bandehado.

Pangalawa : Sa isang kaserola, ipainit ang mantika kasama ng atsuete, lutuin hanggang pumutok ang mga buto at magkulay pula ang mantika. Ibuhos ang katas ng hipon at pakuluin. Itunaw ang arina sa tubig.

Pangatlo : Ibuhos ang tinunaw na arina, Hayaang kumulo at lumapot pagkatapos Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa. Pagluto na ibuhos ang sarsa sa ibabaw ng pansit.

PangApat : Ilagay ang mga karne at tokwa sa ibabaw ng pansit sabay Budburan ng tinapa at sitsaron, adornohan ang sibuyas na mura at bawang at Ihaing may kasamang kalamansi.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...