PANGARAP NALANG

Pangarap nalang, ito ay kwento tungkol sa isang babae na minsang nangarap ngunit nawalan ng pagkakataon sa hindi inaasahang dahilan, na halos dumating sya sa punto na akala nya yung mga pangarap nya hanggang pangarap nalang talaga, pero dahil hindi sya sumuko at nag isip ng ibang paraan naging succesful pa din ito sa bandang huli.

Si Glydel ay isa sa apat na magkakapatid ang kanyang Ina ay mayroon sariling salon ngunit hindi naman ito kalakihan, habang ang kanyang tumatayo bilang Ama ay Nagmamaneho ng Taxi.

Tumigil sa Glydel sa pag aaral dahil sa kakulangan na nila sa pinansyal na pangangailangan, sa kadahilanang nung nalaman nya at ng kanyang pamilya na ang nakababata nyang kapatid ay nabuntis ng kanyang nobyo.

BASAHIN : Alamat ng Makahiya

mabait na anak at mapagmahal na kapatid si Glydel kaya imbis na intindihin ang sarili at unahin ang kanyang pangarap na makapagtaos ng pag-aaral, mas pinili nalang nitong tumigil upang makabawas sa gastusin ng pamilya.

kaya sa mismong taon din na iyon sinubukan nalang nya mag apply sa kung saan-saan na trabaho, malayo, mainit at kahit pa nakakapagod walang oras na sinayang si Glydel para makapaghanap ng trabaho at makatulong sakanyang pamilya.

Ngunit sa bawat trabahong inaapplyan nya katulad ng restaurant, opisina o kaya mga mall eh hindi sya nagkakaron ng pagkakataon sapagkat karamihan rito ay bumabase sa estado ng pinag-aralan at dahil nga tumigil si Glydel, hindi ito nagkakaron ng pagkakataon na mapatunayan ang sarili nya na kaya naman nya magtrabaho.

Magkaganun man mabuti nalang at di nawawalan ng tiwala si Glydel sa sarili nya at lakas ng loob, kaya isang araw habang naglalakad sya pasakay ng jeep may nakasalubong sya na dati nyang naging kaklase nung elementarya, at napag alaman nya na sa Call Center hindi mahalaga kung nakapagtapos ka ba ng pag aaral o hindi.

So nilakasan ulit nya ang loob nya at sumama sa kaibigan nya upang mag apply at magbakasakali na matanggap sya sa Call center, at nangyare na ngang nasa call center na sila kung san nagtatrabaho ang dati nyang kaklase dumiretso si glydel sa Recruitment hub ng Kompanya habang ang kaklase naman nito ay dumiretso na sa elevator sapagkat may pasok pa.

BASAHIN : Alamat ng Bayabas

Pagkarating ni Glydel sa recruitment hub tinanong sya agad ng taong nakapwesto dito kung saan nang galing ang kanyang application at kung unang beses palang ba nya magtatry, at ang tugon naman ni Glydel ay sa kanyang dating kaklase ng elemetarya at ito ang una nyang pagtangka na subukan mag apply, pagkatapos nun pinagregister na sya upang mag antay ng kanyang interview

Inabot na ng madaling araw si Glydel sa recruitment hub ngunit bigo na naman ang dalaga pero sa pagkakataon na ito, inalok sya ng Training at ang training na ito ay bibigyan sya ulit ng isa pang pagkakataon so tinanggap nya ito.

Makalipas ang isang linggo nag simula na nga ang training nya at sa unang araw ng kanyang training, mahahalata sa kanyang kilos at mukha na kinakabahan sya, dahil sa naninibago sya at hindi nya alam kung ano yung mga posibleng mangyare, lalo na nung biglang dumating yung Magtuturo sa kanila.

Nung araw din na iyon medyo nabawasan na ang kaba nya at medyo nagiging komportable na sya sa mga kasama nya, dala din siguro na dahil madali sya kausap at magaling din makisama ang trainer at mga co-trainee nya.

Lumipas ang ilang linggo, natapos na ang training nya at muli silang sumubok na mag apply sa Call center na ito. katulad lang ng ginawa nya nung unang beses nya mag apply, ganun padin ang mga pinagawa sakanya at tinanong, sa pagkakataong ito ay nagtake na sya ng Exam at nakapasa at pagkatapos nun, Huling pag susulit na pero sa mga oras na yun hindi na sya gaano nakakaramdam ng kaba siguro dahil sa kompyansa na sya at alam nya sa sarili nya na kaya na nya.

BASAHIN : Alamat ng Mangga

Kaya nung tinawag na yung pangalan nya para sa Huling pagsusulit dali-dali itong pumasok sa kwarto kung saan andoon sa loob yung taong mag iinterview sakanya, at makalipas ang ilang minuto lumabas sya sa kwarto na abot tenga ang ngiti sapagkat alam nya na pasado na sya at magkakatrabaho na sya sa pagkakataong iyon.

Nung nag simula na si Glydel magtrabaho medyo nahirapan pa sya mag-adjust rito pero hindi naglaon naging ayos din ang lahat, lumipas ang mga taon nagtatrabaho pa din si Glydel doon, pero hindi na sa mababang position kundi bilang Operation Manager na sa kompanya na iyon.

At dahil dyan sa bawat taong makakasalamuha nya na nakikita nyang nahihirapan at nawawalan na ng pag-asa sa buhay eh tinutulungan nya at binibigyan ng payo, kasi sino ba namang mag aakala na yung Glydel noon na hirap na hirap sa buhay na halos akala nya di na nya magagawa yung mga gusto nya simula nung tumigil sya mag aral, nagawa pa din nya maging succesful, di man sa pangarap nyang maging, pero sa pangarap na ni minsan di nya inasahan na magiging sya.

Kaya sa mga nangangarap dyan, wag kayo susuko kasi kung akala nyo pangarap nalang eh baka hindi pala, baka katulad lang tayo ni Glydel may iba lang talaga na nakalaan para satin di man tulad ng gusto natin, pero mas maganda sa gusto natin.

Salamat sa mga nagbasa ng ” Pangarap nalang ” na ito! pero kung nabiitn ka maari lamang pindutin ang link na ito para sa iba pang kwento ( Ang Bulkang Taal )

ADVERTISEMENT
loading...