Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula noong 1942 hanggang 1945, kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay ang panahong nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

  • Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas

Panahon ng Pananakop

Panahon ng Pananakop
Photo from: Google

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas.

Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.

Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt. Inutusan si MacArthur na pumunta sa , kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa Pilipinas at itinatag ang (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila ang na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang 1943, nang ideklara nila na ang Pilipinas ay isa nang malayang bansa.

Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban ang pangkat ng militar ng sa mga Hapones sa isang digmaang gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos.

Ang tagumpay ng pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones ang labindalawa sa apatnapu’t walong lalawigan sa bansa. Ang pangunahing elemento ng paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ng Hukbong Bayan laban sa Hapon, na mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.

Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong 1 Agosto 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte.

Samantala, marami ang magkakasanib na mga sundalong Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya, ay ipagtanggol ang sagupaan ng pakikipaglaban sa mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas.

Nagsilbi si Osmeña bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong 23 Abril 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here