Panagbenga Festival

Ang Panagbenga Festival o ang Pista ng mga Bulaklak ng Baguio ay ang taunang kapistahan sa Lungsod ng Baguio na idinaraos sa buwan ng Pebrero.

Ipinagmamalaki dito ang kasaganahan ng mga bulaklak sa Baguio gayun din ang mayamang kultura nila kung kaya’t ito ay dinarayo ng mga turista taun-taon.

Ang salitang panagbenga ay mayroong kahulugang, “panahon ng pagyabong, o panahon ng pamumulaklak”.

Markado ito ng magarbong kaayusan ng bulaklak, sayawan sa kalye, flower exhibit, paglilibot sa hardin, paligsahan ng pag-ayos ng bulaklak, maging ang maningning na pagsabog ng mga paputok, at marami pang iba.

Basahin: Sinulog Festival

Kasaysayan

Sinimulang ipagdiwang sa lungsod ng Baguio ang Panagbenga Festival noong 1996. Pero bago nito, ang unang dapat ipapangalan sa selebrasyon ay “Flower Festival” na itinakdang gawin sa buong buwan ng Pebrero.

Taong 1995, limang taon makalipas ang malaking pinsala na naganap sa Baguio, iminungkahi ni Atty. Damaso E. Bangaoet Jr. na magkaroon din ng aktibidad ang sikat na pasyalan tuwing kapistahan tulad ng ginagawa ng ibang lalawigan.

Dahil na rin kilala ang Baguio sa magagandang bulalaklak, dito naisipan ni Atty. Bangaoet na magdaos ng flower festival.

Sa halip na itaon ito sa buwan ng Setyembre nang pagkakatatag ng lungsod at sa pangamba sa panahon dahil maituturing na tag-ulan ang buwan na ito, ay ginawa nalang sa buong buwan ng Pebrero ito ipagdiwang upang maging matagumpay ang selebrasyon.

Ang finale ng kapistahan ay kinatatampukan ng magarbong parada ng mga bulaklak. Kasunod ng pagtatakda ng buwan, ang archivist at curuator na si Ike Picpican ang nagmungkahi noong 1996 ba opisyal na gamitin ang titulong “Panagbenga”, na sa salitang Kankanaey ay “Season of Blossoming”, o panahon ng pamumulaklak.

Basahin din: Kasaysayan ng Pilipinas
Bagong Taon

ADVERTISEMENT
loading...