Palitaw

Isa sa kilalang pagkaing Pinoy na Pinoy talaga ay ang Palitaw, sapagkat masarap ito na panghimagas o kaya meryenda. Masarap kainin ito na may kasamang mainit na tsa-a o kaya kape. At maimumungkahi ko ito sainyo na subukan sapagkat madali lang itong lutuin. Sapagkat ang mga pangunahing sangkap nito ay madaling matagpuan dito sa atin.

BASAHIN : Puto Bumbong | Panlasang Pinoy

Kasaysayan

Ang Palitaw ay isang kilalang sweet flat rice cake na kinakaen sa Pilipinas bilang isang meryenda, sapagkat sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kakanin na ito sapagkat sa kakaibang sarap nito. Gawa ito sa malagkit na bigas kung saan hinahaluan ito ng Harina at tubig upang maging dough.

Pagkatapos ay puputol putulin ito at ihuhulma na maging maliliit na bilog at pagkatapos ay pipitpitin upang maging flat. at pagkatapos ay pakukuluan na ito sa tubig hanggang maluto.

BASAHIN : Bibingka | Panlasang Pinoy

Mga Sangkap ng Palitaw

4Tasa ng Malagkit na bigas
1Kinayod na Niyog ( Katamtaman ang laki )
1Tasa ng puting Asukal
3Kutsarita ng Sesame seed ( Isangag ito hanggang magkulay brown

BASAHIN : Kutsinta | Panlasang Pinoy

Proseso ng Pagluluto ng Palitaw

Una : Ilagay ang Malagkit nasa isang bowl. Unti-unting lagyan ito ng malamig na tubig habang hinahalo. Dapat ay yung tama lang ang lambot ng galapong. Unti-unting lagyan ito ng malamig na tubig habang hinahalo. Dapat ay yung tama lang ang lambot ng galapong.

Pangatlo : Habang ginagawa ang #1, magpakulo na ng tubig sa isang kaserola. Kumuha ng kapirasong galapong at bilugin sa kamay at saka i-press para lumapad. Ihulog ito sa kumukulong tubig at hintaying lumutang.

Pangatlo : Kapag lumutang na hanguin ito sa isang lalagyan. I-gulong ang nilutong palitaw sa kinayod na niyog. Lagyan ng pinaghalong asukal at sinangang na linga sa ibabawMaaring ihain ng mainit o malamig.

Gusto mo ba malaman kung anong sangkap at kung pano lutuin ang ibang putaheng pinoy na meron tayo? maaring pindutin lamang ang link na ito Panlasang Pinoy.

ADVERTISEMENT
loading...